Tamad na asawa

Sino dito may tamad na asawa? Super bait ng husband ko pero tatamad tamad kumita ng pera. Porket alam nyang may pera ako at kinikita parang feel ko di na sya nag sasakripisyo kaya ipon ko for baby magagastos ko imbis na sya yung gagastos sa mga check up. Panatag kasi sya na may fund ako for emergency pati pampapaayos nya ng motor sakin nang gagaling ang katwiran nya lagi sakin pagod sya. Dapat bakong mag cold treatment or what para magtino? Help momies

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may kasabihan na "di bale ng tamad, atleast hindi naman pagod" pero ngayon ko lang narinig yung tamad pero laging pagod haha! sorry, naisip ko lang. tinotolerate mo kasi sya, kausapin mo sya direct to the point. hindi yan matututo kung hindi mo pagsasabihan. tapos sinasagot mo pa yung luho nya sa motor nya, kung gusto nya kamong masunod ang luho nya, magsipag kamo sya, magbanat banat sya ng buto. nakakahiya yung ganyang asawa. tapatin mo na, kung ikasasama ng loob nya, atleast nasabi mo na. wala ka ng pagkukulang don. sya ang lalaki, sya dapat nagpprovide ng pangangailangan nyo. hindi dapat nasasakripisyo ang budget para sa baby nyo. sya dapat ang nagsasakripisyo.

Magbasa pa