Loaning App
Sino dito naranasan mabaon sa Utang sa mga Loaning App? Yung tipong mangungutang ka para maka bayad ng utang din.

May experience ako sa telemarketing, nag worked ako ron for 3 days hahaha hindi ko kinaya yung pressure at konsensya. Ching chong ang may ari. Ang kalakaran, bibigyan kami ng 50-100 numbers a day, may quota kaming naka set per head, at least 5 kung baguhan ka. Tatawagan at text mo yung numbers na ibibigay nila, may spiels din yung department. May application na dapat mapa download mo sa mga number na binigay sa'yo. Ang sasabihin may one month ka para bayaran yung unang utang mo pero in reality 7 days lang talaga, sasabihin na may ganito ganyang promo para sa'yo lang available kasi para kang vip. Maximum of 3000 ang first loan na pwede mong iavail + service fee, more or less 2500 na lang makukuha mo + tubo pa sa 7 days na yon. Hindi kinaya ng puso ko yung ganong trabaho, kasi una yung pagbili pa lang ng mga ching chong ng number ng mga possible clients, illegal na. Pangalawa, nagsisingaling ka sa mga kapwa mo Pinoy. Pangatlo, karamihan sa mga nabibiktima e matatanda mula sa iba't-ibang probinsya. Pagtapos kong nasubukan mamasukan sa ganon, kaliwa't kanan talaga paalala ko sa mga kakilala kong wag uutang sa mga loaning apps, imbes matulungan ka lalo kang ibabaon lalo kung wala ka namang consistent income na pagkukuhanan ng ibabayad mo. Mas masarap mabuhay ng walang pinagtataguan at hindi mo kailangan magpalit ng number. Hanggat kayang hindi humiram sa mga loaning application, 'wag na. Sa una lang yan masaya.
Magbasa pa