Loaning App

Sino dito naranasan mabaon sa Utang sa mga Loaning App? Yung tipong mangungutang ka para maka bayad ng utang din.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May experience ako sa telemarketing, nag worked ako ron for 3 days hahaha hindi ko kinaya yung pressure at konsensya. Ching chong ang may ari. Ang kalakaran, bibigyan kami ng 50-100 numbers a day, may quota kaming naka set per head, at least 5 kung baguhan ka. Tatawagan at text mo yung numbers na ibibigay nila, may spiels din yung department. May application na dapat mapa download mo sa mga number na binigay sa'yo. Ang sasabihin may one month ka para bayaran yung unang utang mo pero in reality 7 days lang talaga, sasabihin na may ganito ganyang promo para sa'yo lang available kasi para kang vip. Maximum of 3000 ang first loan na pwede mong iavail + service fee, more or less 2500 na lang makukuha mo + tubo pa sa 7 days na yon. Hindi kinaya ng puso ko yung ganong trabaho, kasi una yung pagbili pa lang ng mga ching chong ng number ng mga possible clients, illegal na. Pangalawa, nagsisingaling ka sa mga kapwa mo Pinoy. Pangatlo, karamihan sa mga nabibiktima e matatanda mula sa iba't-ibang probinsya. Pagtapos kong nasubukan mamasukan sa ganon, kaliwa't kanan talaga paalala ko sa mga kakilala kong wag uutang sa mga loaning apps, imbes matulungan ka lalo kang ibabaon lalo kung wala ka namang consistent income na pagkukuhanan ng ibabayad mo. Mas masarap mabuhay ng walang pinagtataguan at hindi mo kailangan magpalit ng number. Hanggat kayang hindi humiram sa mga loaning application, 'wag na. Sa una lang yan masaya.

Magbasa pa
1y ago

Trueeee! pag-ibig or sss nalang uutangan ko mas legit at mababa pa interest. Wag po sana tayo masilaw sa mga advertisement nila. kawawa po tayong mga pinoy 😥

May bestfrend ako na umutang online lending app. Nabaon siya sa utang kasi umuutang din siya sa ibang online lending app para makabayad sa iba . Kumbaga tapal . Nalaman ko yan kasi umutang siya sakin ng pambayad niya. Depressed siya noon na halos magpakamatay na siya kasi umabot ng 80k utang niya . Tinawagan pa ng lending app mga contacts niya. Nagtratrabaho pa yun sa hospital . Pati mga tao sa hospital tinawagan na may utang nga siya . Lahat ng kamag anak tinawagan din . Ang ginawa ng bfrend ko tinanggal niya sim niya . Nagdeactivate siya ng mga socmed niya . Bakit pa niya babayaran kung pinahiya na siya . Hindi niya binayaran . 1 year na ngayon wala ng gumugulo sa kaniya

Magbasa pa

samin mi di kami nagamit ng loaning apps na ganyan laki ng interest nila mababaon ka talaga. may Creditcards at spaylater ako binabayaran... pero sinisigurado ko may pambayad monthly😅 wag po tayo super mega shopping mii kahit may loaning app pa kasi laki ng interest nila dyan mababaon ka talaga.. kaya hinay po. pag may pera ipambayad agad mi... at gawa ka ng paraan hindi galing sa utang ang ipambabayad mo hirap po doble doble ang pagkakabaon sa utang. pray ka mii na malagpasan mo yan🙏

Magbasa pa
Post reply image
1y ago

tama. ung iba kasi dito uutang sa loaning apps tas kapag bayaran na magiiba ng no. tumatakas sa mga bayarin. wag dpt umutang kung walang sapat na pambayad. gamitin lng dpt for emergency.

ako may utang din sa shopee at lazada pati sa maya pero never na late ng bayad for me kasi wag mangungutang if walang sure na mababayaran, kasi pag nangutang ka tas ang ibabayad mo galing sa new utang mo hindi ka makakaalis sa utang na yon at yung interests tuloy tuloy lang, makulit ang mga loan apps pag na late ka ng bayad kahit isang araw at di ka na makakaulit sa knila.

Magbasa pa

Naku mi, mahirap kapag sa loaning app ka nangutang. pinsan ko naging biktima, umutang sya sa ola din, nakafully paid na sya pero di pala narerecord binabayad nya gang sa nagulat nalang sya e may utang na sya sa ibang sister company ng ola kahit isang loan app lang nautangan nya gang sa nakakatanggap sya ng death threat. Magpalit ka ng sim mo mi.

Magbasa pa

Nagpapautang kami, 5% lng ang tubo . Through money mo talaga makilala ang isang tao, madaming makakapal ang mukang mahilig mangutang tas when it comes to bayaran, mga di mo makontak. But atleast kung di mo man sila masingil, c lord na bahala maningil. Madami kasi tlagang matitigas ang muka. Ang liit na nga ng tubo, di ka pa mabayaran??? 🥴

Magbasa pa

ify mhie. Ngayon hirap na ako bayaran sila lahat . nag palit nalang ako Ng number at if ever na mag home visit sila babayaran ko Yung amount na nahiram ko Pero Di ko babayaran Yung tubo. Pero Sa Barangay kami mag uusap if ever. Kasi Laki Ng tubo. 😩 Yung una alagaan ko na Lang na utang is Yung Sa Maya ko.

Magbasa pa
1y ago

na ol afford Di umutang at laging sure na may pambayad Sa takdang Orass.

much better na wag mangutang yun lang masasabi ko, lalo naman pag hindi emergency ang pag gagamitan maging financial literate tayo mga momshie pagkasyahin ang pera na inaabot ni mister at much better dumiskarte din tayo ng pera natin mahirap masadlak sa kahihiyan ..

not recommended na simulan. pero, wag na wag ka papatos sa mga loan sharks na 7days lang tapos may kaltas pa. very wrong. masisira ang buhay mo. puro threats. may mga legit at magaan bayaran like billease, tala, sloan, spay, lazcash, lazpay, gcash, maya.

Ako never nangutang pero ung na snatch phone ko nag gloan at ggives ung snatcher everyday tawag ng tawag ang gcash. Hindi para bayaran ang utang na di ko inutang hahaha