Savings Account for baby
Hi! Sino dito ang nakapag open ng savings account for their babies /kids? Share ko lang tong experience ko sa pag kuha ng savings account for my baby, he is going 8mos old now. I choose Metrobank for convenience since account holder din ako dun. Hindi ko lang inexpect na may pa-free accident insurance sila pag nag open ka ng Fun Savers Acct for your child πaccording sa terms and conditions sa likod, worth 1M din sya but until 18 years old lang sya effective and required na may at least 4k na nakadeposit sa acct bago ma claim yung insurance. But still, it's a good catch na rin di ba? Hehe. Btw, account opening is only 500, and they will only require the child's birth cert (PSA) and your valid id's. Hubby and i intend to use this savings acct for our son's tuition fees pag nag college na sya at para hindi na kami mamroblema balang araw sa studies expenses nya. (laki ako sa hirap kaya i want to be prepared for my child's studies and future). And syempre, kami din ni hubby nag iipon kahit pano ng para sa sarili namin, bukod sa life insurance and investment namin. Para pag tumada na kami, hindi na namin kailangang umasa sa sustento ng anak namin. Oo, mahirap mag ipon, lalo na ngayong may pandemic at ang mamahal ng gastusin. Pero kailangang tyagain at mag higpit ng sinturon para may mahugot sa oras ng pangangailangan. Hope this helps. Stay wais mga momsh/ka-TAP! π
Aki and Umi's Supermom!