Sino ang greatest influence mo sa pagiging tatay sa mga anak mo?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Syempre ang tatay ko din. Kung paano ako napasaya ng tatay ko dati, yun din ang gusto kong maranasan ng anak ko sa kin. At dun naman sa mga hindi kagandahan na naransan ko sa kanya tulad ng pamamalo ay inspiration pa din kung pano ko madidisiplina ang anak ko ng hindi ko sya masasaktan. Yung mga sweet memories na naalala ko ay gusto ko din na mayroon ang anak ko sa future.

Magbasa pa

Dad ko rin. dahil nun tumanda ako naramdaman ko na sa buong childhood ko di ako naging kawawa. dahil pinalaki ako ng maayos at sinupport nya lahat ng pangangailangan ko. at ganun din ang gusto kong iparanas sa anak ko. magandang childhood at set up for her bright future.