Help! FTM, 27wks.

Since I'm on a tight budget dahil medyo pricey ang costing ng hospital sa aking panganganak dahil sa pandemic, need ko pagkasyahin ang funds ni partner to buy newborn stuff. 1. Ano po ba yung mga dapat meron agad si baby paglabas nya aside sa binigay ng OB na lists? (receiving sets and bath essentials ang nasa list ni Doc) - Mga gamit sa bahay na meron dapat pagka uwi nya? (need ba agad ng crib o pwedeng baby nest lang muna) 2. My needs as well sa hospital hanggang maka recover? Pahingi po ng tips please dahil feeling ko napapraning na ako. Kami lang kasi ng partner ko ang magkatuwang sa aking pregnancy journey kaya dapat ready na lahat as early as now para hindi kami mahirapan. Any shop, or newborn product recommendation is highly appreciated mommies, thank you! :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. Barubaruan, pranela, lampin, bonet, booties, mittens, diaper, cotton balls, cotton buds, wipes, alcohol, rubber mat, baby towel, sabon panligo, mosquito net(cribnet, kung malamok sainyo), thermometer, baby oil. - Crib? di naman siguro, kasi di ako agad bumili, nung nakabili naman na di ko pa rin ginagamit kasi co-sleep kami ni Baby. Kahit naman siguro sa kama lang muna, bili ka nalang nung cribset (head pillow, bolster) 2. Palitan na damit (Pajama, shirt), socks, undies, adult diaper, napkin (nights), towel, kumot, hygiene kit (shampoo, soap, toothbrush, toothpaste, femwash etc.), wipes, alcohol. Very basic necessity lang yan, tignan mo nalang sa mga iaadd pa ng ibang mommies dto. Goodluck sayo and kay hubby, pati kay baby. Kaya nyo yan, wag ka ma-rattle, pag may questions ka ask ka lang dito. Have a safe and happy pregnancy! :)❤

Magbasa pa