
3880 responses

Ang pagsagot ng bata ay depende sa magulang kung paano siya disiplinahin, palakihin, at gabayan. Nag eexpress lang ng feelings ang bata, depende sa kung ano at paano niya nakikita ang nasa paligid niya, minsan nagagaya niya sa nakikita niya, kaya dapat bilang magulang mas maingat tayo sa mga gingawa natin na nakikita ng mga bata, kasi tayo ang kanilang Unang Ginagaya at Modelo; kundi naman minsan nakukuha nila sa labas kaya dapat ingatan din natin sila sa labas dahil marami silang nakikita at nakakasalamuhang ibang ugali na maaring maisip niya na "yun ang tama" - "Kaya dapat lagi natin kinakausap ang mga bata para nagagabayan natin sila sa mga bagay bagay at nalalaman natin sitwasyon nila, ng sa ganun ay Natuturuan at nadidisiplina natin sila ng Tama at Maayos" -Hindi rason na bastos minsan ang ugali ng anak dahil lang sa nakikita niya sa labas, dahil kahit anong pangit ng nakikita niya sa labas o sa loob ng tahanan, kung Marunong Mag Disiplina ng Tama ang Magulang, Hindi lalaki ang bata na Pasaway. 👍❤️
Magbasa pa