Naexperience ko rin ito start nung 4 months preggy ako. 2 months ata ako nakaexperience nito. I was given claritin ni OB pero never ko ininom dahil takot lang ako magtake ng kung ano anong gamot as long as kaya ko naman tiisin. Nagconsult din ako sa EENT nun and allergic rhinitis talaga. Di nya ako niresetahan ng gamot kasi preggy ako. Ginawa ko nun i just drink lots of water with lemon or calamansi and then bumili ako ng humidifier to moisten the room lalo na kapag malamig. Para di magcause ng allergies. Natanggal nun ung allergic rhinitis ko.
Usually kasi po immune system ng buntis mas mahina talaga kaya mas madalas magkasakit. Ask your OB ano pa pwedeng gawin sa allergies mo and also figure out what is causing it para maiwasan mo ito.