Manganganak nalang ako pero si mister uhaw parin sa ibang babae 😔 stress nako

Simula palang ng pagbubuntis ko ilang beses kona sya nahuli, at buti nahuhuli ko talaga kundi sobrang kawawa ako para saakin mas mainam na nahuhuli ko sya bago pa may mas matinding mangyare, siguro may dahilan ☺️, Emotionally and physically grabe sobrang sakit, dagdag pa buntis ako thankful nalang ako kasi kahit anong stress kakaisip, kakaiyak ko kumapit parin si baby, napadalas nanga yung paninigarilyo ko. hindi ako nagkaroon ng miscarriage ilang ultrasound nadin ang nagawa namin ni baby and healthy sya verygood baby ko! ☺️ siguro nga eto ang sign na kahit anong problema ang dumating wag na wag akong susuko lalo na at may kailangan nakong ipag laban lagi ang anak namin ☺️ sya na ang magiging lakas ng loob ko☺️. dumating na sa point na ayoko na, at suko nako sa lahat aalis nako sa poder nya kasi iniisip ko yung future ng magiging pamilya namin, hindi naman sya nag babago e bat pako magtitiis sakanya, ayaw nyang gawin ko sakanya ang ginagawa nya sakin, todo bantay sa cp ko pero sya pala ang madaming tinatago😔pano kami magiging masayang pamilya? May pag asa pa kaya ito? Pero sa likod nun, na pag usapan namin na para sa bata mag sasama parin kami ipag papatuloy namin ang relasyon namin dahil ayaw naman daw nya na matulad ang bata saamin na broken family. Gusto ni mister ang buong pamilya. Pero ako bago pako nag desisyon at mag empake buo na ang loob ko, kasi bago ako sumuko ng ganoon andami kong tiniis, mas gugustuhin ko nalang palakihin ang anak ko ng mag isa kesa kasama sya hanggang ngayon ayan padin ang pinang hahawakan ko ☺️💪🏻 Oo nag tatrabaho sya, pero alam moyun hahanap hanapin mo parin yung tender love and care, never nyakong hinilot, actually naiinggit ako sa iba kasi sobrang caring ng mga mister nila lalo pag buntis si misis, samantala ako, ako bahala sa sarili ko may masakit sakin nagtitiis ako. Mag 37 weeks nako, iniisip ko sino nasa tabi ko, sino maghihilot sakin, sino mag aalaga sakin habang nasa ospital , never naman akong inalagaan ni mister eh, 😔 kaya ang ginagawa ko nalang pinapalakas ko ang loob ko na kayanin mag isa ang sakit, para kay baby ☺️, sa ngayon tanging hiling kolang para sa sarili ko, peace of mind. Hinihiling ko padin na makatagpo ng lalaking mag mamahal sakin ng totoo, mag aalaga at papahalagahan kami ng anak ko❤️ Kase ako mahal ko ang asawako, inaalagaan ko sya sabihan nyako ng masasakit na salita. Naging manhid nalang ako. Ngayon may nakita nanaman ako sa tiktok nya bagong ikakasakit nanaman ng puso ko 😅 akala ko focus nasya saamin, porket ba buntis ako dinako maganda, ang pangit pangit kona dinako makinis. Hays manganak lang talaga ako mag aayos nako, gaya ng una nya akong na kilala. Pero hindi na para sakanya😅

Manganganak nalang ako pero si mister uhaw parin sa ibang babae 😔 stress nako
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kasuka yang asawa mo. Iwanan mo yan. Di nya deserve ng pamilya. Alagaan mo sarili mo pati si baby. Lapit ka sa family or friends mo para may support system ka kasi mahirap yung parang stress reliever mo eh paninigarilyo. Makakasama yan kay baby.

3y ago

True mami nakakasuka na, puro babae pinapanood nya tinatago nyapa habang naliligo sya bago pumasok ayan pinapanood nya, aga aga kopa ginigising tas isang oras sa banyo, ayan pala ginagawa, siguro nga nagmamast*rbate payan duon. Kahit dinya sabihin malakas kutob ko, haha ayaw kona nga mag pa hawak sakanya. Tumigil nga sya mag aya ng babae makikipagkita sya kasi lagi kodaw sya inaaway Hahaha dinaman dahilan yun para humarot agad sa iba porket inaaway ko sya. Sya nga pag galit sinusuyo ko tas ako walang suyo suyo pag tinalikuran kosya naghahanap pala ng kachat na iba. Ganun sya mhie. Sorry po ah andami kong sinasabi pati kasi mga kaibigan ko diko napagkwentuhan sinisisi pako kasi sakanya ako na punta. Wala talaga ako malapitan yung pamilya ko wala naman pake saken. 😔