Manganganak nalang ako pero si mister uhaw parin sa ibang babae 😔 stress nako

Simula palang ng pagbubuntis ko ilang beses kona sya nahuli, at buti nahuhuli ko talaga kundi sobrang kawawa ako para saakin mas mainam na nahuhuli ko sya bago pa may mas matinding mangyare, siguro may dahilan ☺️, Emotionally and physically grabe sobrang sakit, dagdag pa buntis ako thankful nalang ako kasi kahit anong stress kakaisip, kakaiyak ko kumapit parin si baby, napadalas nanga yung paninigarilyo ko. hindi ako nagkaroon ng miscarriage ilang ultrasound nadin ang nagawa namin ni baby and healthy sya verygood baby ko! ☺️ siguro nga eto ang sign na kahit anong problema ang dumating wag na wag akong susuko lalo na at may kailangan nakong ipag laban lagi ang anak namin ☺️ sya na ang magiging lakas ng loob ko☺️. dumating na sa point na ayoko na, at suko nako sa lahat aalis nako sa poder nya kasi iniisip ko yung future ng magiging pamilya namin, hindi naman sya nag babago e bat pako magtitiis sakanya, ayaw nyang gawin ko sakanya ang ginagawa nya sakin, todo bantay sa cp ko pero sya pala ang madaming tinatago😔pano kami magiging masayang pamilya? May pag asa pa kaya ito? Pero sa likod nun, na pag usapan namin na para sa bata mag sasama parin kami ipag papatuloy namin ang relasyon namin dahil ayaw naman daw nya na matulad ang bata saamin na broken family. Gusto ni mister ang buong pamilya. Pero ako bago pako nag desisyon at mag empake buo na ang loob ko, kasi bago ako sumuko ng ganoon andami kong tiniis, mas gugustuhin ko nalang palakihin ang anak ko ng mag isa kesa kasama sya hanggang ngayon ayan padin ang pinang hahawakan ko ☺️💪🏻 Oo nag tatrabaho sya, pero alam moyun hahanap hanapin mo parin yung tender love and care, never nyakong hinilot, actually naiinggit ako sa iba kasi sobrang caring ng mga mister nila lalo pag buntis si misis, samantala ako, ako bahala sa sarili ko may masakit sakin nagtitiis ako. Mag 37 weeks nako, iniisip ko sino nasa tabi ko, sino maghihilot sakin, sino mag aalaga sakin habang nasa ospital , never naman akong inalagaan ni mister eh, 😔 kaya ang ginagawa ko nalang pinapalakas ko ang loob ko na kayanin mag isa ang sakit, para kay baby ☺️, sa ngayon tanging hiling kolang para sa sarili ko, peace of mind. Hinihiling ko padin na makatagpo ng lalaking mag mamahal sakin ng totoo, mag aalaga at papahalagahan kami ng anak ko❤️ Kase ako mahal ko ang asawako, inaalagaan ko sya sabihan nyako ng masasakit na salita. Naging manhid nalang ako. Ngayon may nakita nanaman ako sa tiktok nya bagong ikakasakit nanaman ng puso ko 😅 akala ko focus nasya saamin, porket ba buntis ako dinako maganda, ang pangit pangit kona dinako makinis. Hays manganak lang talaga ako mag aayos nako, gaya ng una nya akong na kilala. Pero hindi na para sakanya😅

Manganganak nalang ako pero si mister uhaw parin sa ibang babae 😔 stress nako
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung sakin lng, mas gugustuhin ko pang lumaking walang kagisnang ama ang anak ko kesa may ama nga sya, hindi naman mabuting ehemplo. mabuti na yang iwanan mo na sya kesa magtiis ka ng ganyan, kawawa lang ang anak mo. ang kailangan mo ngayon ay suporta galing sa mga taong tunay na nagmamalasakit sayo, mas mabuti pang sa kanila mo na lang ituon ang atensyon mo kesa sa lalaking wala namang pagmamahal sayo. ingatan at mahalin mo ang baby mo para sa paglaki nya, mafeel nya na kahit wala syang ama, hindi ka nagkulang sa kanya pagdating sa pagmamahal. wag ka na lang muna maghanap ng lalaking magmamahal sayo, kusa yang dadating, mas importante ang kapakanan ng mga anak natin kapag nanay na tayo.

Magbasa pa

loveyourself first mii pg ndi mo mnhal sarili mo at mas minahal mo cya ikw pa dn talo sa huli dahl wala kna tinira lalo na my anak ka ndi kelngan ang buong pmlya kng ganon lng dn naman asawa mo mkkta nlang buo nga kayo pero ikw msmo sira. wg kng mgtiis mdmi pa dyan na mas deserve ka at my mgmamahl pa dn sayo unahin mo kayo ng anak mo kaya mo yan mamsh sa umpisa lng mhrap pero pg nlagpasan mo yun worth it lahat ng sakit na pngdaanan mo

Magbasa pa

same po ganyan din mister ko grabe mag ccr lang masubra Isang oras pero Kung kinukuha ko Yung CP pag mag cr sya Ang bilis bilis nya mag cr Yan din parati pinag.aawayan namin eh Yung mapapaisip ka nalang Kung Mahal ka Paba nya or Hindi na Kasi d na sya makapag DO Sayo Kasi buntis ka

Kasuka yang asawa mo. Iwanan mo yan. Di nya deserve ng pamilya. Alagaan mo sarili mo pati si baby. Lapit ka sa family or friends mo para may support system ka kasi mahirap yung parang stress reliever mo eh paninigarilyo. Makakasama yan kay baby.

2y ago

True mami nakakasuka na, puro babae pinapanood nya tinatago nyapa habang naliligo sya bago pumasok ayan pinapanood nya, aga aga kopa ginigising tas isang oras sa banyo, ayan pala ginagawa, siguro nga nagmamast*rbate payan duon. Kahit dinya sabihin malakas kutob ko, haha ayaw kona nga mag pa hawak sakanya. Tumigil nga sya mag aya ng babae makikipagkita sya kasi lagi kodaw sya inaaway Hahaha dinaman dahilan yun para humarot agad sa iba porket inaaway ko sya. Sya nga pag galit sinusuyo ko tas ako walang suyo suyo pag tinalikuran kosya naghahanap pala ng kachat na iba. Ganun sya mhie. Sorry po ah andami kong sinasabi pati kasi mga kaibigan ko diko napagkwentuhan sinisisi pako kasi sakanya ako na punta. Wala talaga ako malapitan yung pamilya ko wala naman pake saken. 😔

Love yourself and your baby. Wag ka manigarilyo dahil na stress ka sa asawa mo po. Nakuu kawawa si baby 😔😔lalo na at alam mong preggy ka. Tapos nagsigarilyo ka. Nakuu kailangan mo ng support sa asawa mong babaero.

2y ago

Opo mommy iiwasan konapo ika 37 weeks kona wishing na healthy si baby gagawin ko lahat💙🙏🏻thank you sa inyo mga mommies

Mi yung paninigarilyo mo dun ako na alarma. Di pa naman kasi talaga makikita yun sa ultrasound pero possible pag labas ng baby mo may epekto yun pwede sya magkaron sya ng lung or brain damage.

Tama yang desisyon mo ,iwan nyo yang mister mo hinding hindi yan magbabago. At tsaka wag ka manigarilyo pls lang. ang anak mo ang mag susuffer sa huli

Ify rn mamsh , ngayon ko lang nalaman na may nililigawan syang mas bata saken , 8mos preggy na ko walang humpay na iyak lang ang nagawa ko imbes ma excite 😔

2y ago

Grabe talaga bat ganito ginagawa nila saten😔

mas malala asawa ko. porn pinapanood at nagmamasturbate. buntis din ako kaya di ko mapagbigyan. bihira n kmi magsex.

2y ago

safe at sure naman ako na wala syang iba. dahil bahay work at church lang yan. naoopen ko din cp nya at fb nya kaya talagang alam kong di yan mambabae. sa ganda kong to.. char. hinahayaan ko na lang talaga minsan. pero may times pinagbabawalan ko sya mag masturbate. delikado din kasi kung araw arawin nya. hahaha.. kaya pag nakapanganak ako. talagang family planning lalo na mahilig ang asawa ko.. nung di pa namin alam na buntis ako madalas kami magsex. nag laylow lang nung nalaman na buntis ako since 1st baby namin, kaya nag iingat kahit di naman ako maselan..

malibog si mister mo