3 Replies

Ang sakit at ang lungkot po talaga ng pinagdadaanan mo ngayon. Alam na alam ko yan mamsh. Ramdam na ramdam kita ngayon. Kakatapos ko lang at namin ni hubby ko sa ganyang pagsubok. Ang mabuti mong gawin mommy, magusap po kayong dalawa. Nung panahon bang una mo siyang nahuli, sinabi/kinompronta mo siya? Unang beses niya palang ba yan ginawa sayo since naging magasawa kayo? Lahat ng tanong mo, ibato mo sakanya. Open mo sakanya lahat ng nararamdaman mo. Pag katapos mong malaman lahat or makapagusap dun kapo magdecide. Wag na wag magdedecide kung galit at nasa highpeak ka ng emotions mo. Wag na wag po. Mas kukumplikado ang lahat. Saka ikaw lang nakakakilala sa asawa mo, alam mo naman kung magsasabi yan ng totoo o hindi. Or maganda po pag nagusap kayo maglatag ka ng mga ebidensiya mo. Minsan kasi sa lalaki, huling huli mo na tatanggi pa yan. Tatagan mo ang loob mo mommy ha. Pag feeling mo nawawalan ka na ng kumpyansa or feeling mo down na down kana, isipin mo si baby mo. Siya gawin mo at pagkuhanan mo ng lakas para harapin yan. Saka pray ka mommy. Nakakatulong po yun.

nalulungkot ako sa situation mo mommy. kasi naranasan ko yang pakiramdam na lokohin. twice ako niloko ng husband ko.kaya ang hirap magtiwala lalo kung aalis sya. 1 year na nakalipas nung last na ginawa nya saken pero d ko pa din nakakalimutan. inistalk ko pa din sa fb yung girl.hay basta ang hirap tlga. d ko alam ipapayo ko sayo sis kasi kahit ako hirap din.siguru dasal lang tlga.kasi d naman natin mapipilit umayon sa gusto natin ang sitwasyon. focus kn lang muna sa baby mo. kawawa naman sya nasstress din. at pray pray lang mommy. malalampasan mo din yan.

VIP Member

try to calm down relax wag mag disisyon ng galit. at pg buntis extra emotional yan kaya try mo muna kausapin ng maayos si hubby. tanungn mu kng anu nba tlga ang mgandang gawin sbhn mo lahat sa knya ang hinanakit mo. kc kng tlgang wla n kyng pag asa obligado pa rin syang mgsusten o sa magi2ng anak nyo...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles