Guilt for being not Doing house chores🥺
Simula nanganak ako noong nov 4 napabayaan ko mga gawain sa bahay like yung gawain sa kusina pagluluto at paglulinis. Sobrang na g-guilt ako kasi umaasa lang ako sa asawa ko at nahihiya ako dahil wala na nga akong ambag financially tapos panay higa lang ako kasi sobrang sakit pa ng puson at balakang ko🥺 sa bahay lang ako nanganak every time na tumatayo ako biglang bumubulwak yung dugo ko at nahihilo din ako nanakit yung ulo siguro dahil kulang din sa tulog nag babantay ako kay baby tuwing gabi kasi lagi siyang nasusuka😔minsan sinasabihan ako ng asawa ko na perwisyo ako at minsan lagi niya sinasabi na pag alis niya may naiwang hugasan pagbalik niya meron parin hindi ko din kasi pinipilit ang sarili ko na gumalaw kasi sobrang masakit ang puson at balakang ko plus nahihilo pa🥺 napipikon ako at sumasama ang loob ko sa partner ko kasi ang dating saakin ng mga sinasabi niya parang panunumbat parang ayoko nalang kumain hanggat hindi pa ako maka galaw kasi nahihiya na akong umasa. Minsan hindi niya ako maintindihan every time na magsasalita ako laging masama at mali yung dating sa kanya. Sinabihan ko siya na kapag manganak ako mag leave siya para atleast hindi siya sobrang mapagod at kami lang muna yung priority niya pero ayaw niya talaga naintindihan ko naman na hindi niya kayang pagsabayin yung trabaho kasi 12hrs shift siya plus gawaing bahay pa pag dating😔Pero sana nag leave man lang kahit hanggang maka recover lang ako kunti.. HAHAHAHA dito nalang ako nag rant wala din naman ako mapagsabihan na iba at ayoko na din mag open up sa kanya baka mauwi lang ulit sa away😔