Nakaka-stress na π
Simula first trimester hanggang ngayong 2nd trimester (15 weeks) pabalik balik na lang ang bacterial vaginosis ko. π Patulong naman po. Any tips naman po aside sa vitamin c. Sabi kasi ng ob ko dahil sa mababang immune system daw yon. Sumasakit puson ko dahil sa infection. π First time mom po ako. 33 years old. Ang tagal naming hinintay itong blessing na ito pero bakit ang daming trials π

Wala po akong bacterial vaginosis pero ang turo po sakin ng OB ko is palitan ang fem wash ko ng GynePro kasi mas mild daw po yun kesa sa usual kong gamit. And then, wag din daw po panay fem wash every after umihi, twice a day lang daw po tapos the rest ay water lang ipanglinis sa private part. Always keep it dry din daw po before magpanty. Mas ok din daw po madalas magpalit ng panty lalo na if may discharge. Drink lots of water para maflush out infections and bacteria. Try niyo din po momsh magpalit ng mas mild na detergent panglaba ng undies ninyo, baka lang may effect din kasi yon. Make sure nababanlawan ng maayos. Iwasan po sobrang stress kasi not good for you and the baby. Ang alam ko din po may nirereseta na antibiotics ang OB sa ganyan.
Magbasa pa

