Nakaka-stress na 😭

Simula first trimester hanggang ngayong 2nd trimester (15 weeks) pabalik balik na lang ang bacterial vaginosis ko. 😭 Patulong naman po. Any tips naman po aside sa vitamin c. Sabi kasi ng ob ko dahil sa mababang immune system daw yon. Sumasakit puson ko dahil sa infection. 😭 First time mom po ako. 33 years old. Ang tagal naming hinintay itong blessing na ito pero bakit ang daming trials 😭

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wala po akong bacterial vaginosis pero ang turo po sakin ng OB ko is palitan ang fem wash ko ng GynePro kasi mas mild daw po yun kesa sa usual kong gamit. And then, wag din daw po panay fem wash every after umihi, twice a day lang daw po tapos the rest ay water lang ipanglinis sa private part. Always keep it dry din daw po before magpanty. Mas ok din daw po madalas magpalit ng panty lalo na if may discharge. Drink lots of water para maflush out infections and bacteria. Try niyo din po momsh magpalit ng mas mild na detergent panglaba ng undies ninyo, baka lang may effect din kasi yon. Make sure nababanlawan ng maayos. Iwasan po sobrang stress kasi not good for you and the baby. Ang alam ko din po may nirereseta na antibiotics ang OB sa ganyan.

Magbasa pa

share ko lang mi , ako kase pag sa bahay lang di ako nag papanty kase ang pag suot natin ng panty e may cotton parin po yan usually sa ibang preggy nag susuot pa sila ng pantyliner e pero nakaka kuha parin sila ng uti since ganyan ginagawa ko di mag panty kung di naman lalabas ng bahay e as of now mag 20 weeks nako sa monday pero wala akong uti and since sa panganay ko di ako nag karoon ng uti try mo lang mi gang makapag pacheck up ka ulit if may nag bago ba sa result mo

Magbasa pa
11mo ago

Naka daster po ako mii pag nasa bahay kaya talagang nagpapanty. Wala na kasi kasyang short or pajama sa akin. Di ba mas makakakuha ng dumi pag naka daster at walang panty?

Always change your undies, in my case katulad din ng isang mommy na nagcomment, I tend not to wear under wear. during night time and I wear extra comfy shorts yung maluwag at soft lang. I tend to use boxers or maternity panties instead of regular and ordinary panties. mahalaga kasi na medyo maluwag para komportable

Magbasa pa
10mo ago

gyne pro is a feminine wash po.

wag po gumamit ng scented soap sa private part or any soap kasi namamatay good bacteria sa peps natin na nagfa fight sa bad bacteria, water lang panghugas tapos punasan ng clean towel, dapat hindi sya basa kasi dyan dumadami ang bacteria if basa. Effective sya sakin, once lang ako nagka ganyan, hindi na bumalik.

Magbasa pa
11mo ago

okay lang po paper towel after ng fem wash basta make sure hindi basa ang peps natin. Ako kasi towel lang para hindi magastos sa paper towel pero minimake sure ko malinis yung towel na gingamit ko.

Di naman sa pang aano pero nung preggy ako non lagi akong may ganyan eh napaka linis ko naman sa sarili tapos yung ob ko nagtataka na kasi ilang beses na ko may ganyan ayon sinabihan ako na baka sa partner ko na daw nakukuha yon. Ayon after ilang months nahuli ko partner kong may ibang babae habang buntis ako.

Magbasa pa
11mo ago

Simula naman po ng nabuntis ako hindi na oami nag do ng partner ko

Always change your undies mi,oks din bigyan ng air time ang private part. Sa gabi wag ka na muna mag-panty. Wag din magsuot ng masikip dapat yung maluwag lang. Then pag mag-cr,wash mo lang ng warm water don't use soap or anything just water lang.

11mo ago

Ano pong gynepro?

Simula napreggy na ako no undies na plagi unless lalabas or cycling shorts tas dress sinusuot kasi mas healthy siya sa private part nakakahinga pa, pero alam ko pag ganyan may bacteria need mo mag antibiotic or yung betadine na feminine wash

inom ka madaming water.. number 1 yan.. kasi ako dati bago mabuntis palagi akong nag aantibiotics . pero simanay ko mag tubig ako palagi nawala.. tapos madaming fruits.. gawin mo mag lemon ka araw araw.. masarap 1 lemon sa 1 litro ..

11mo ago

Puro tubig at buko juice na ako pero ganun pa din 😭 bawal din ako sa maraming fruits dahil kinokontrol yung blood sugar ko

VIP Member

Pinag suppository ka ba? Nagka bv din ako nung preggy pero nawala naman sa suppository. Probiotics can help din. Pansin ko lang din, mas nagkaka infection ako pag nag fefem wash kaya water water lang talaga.

same tayo nung buntis ako. pabalik balik talaga sya ang ginawa ko lang di ako nagsusuot ng panty kapag nasa bahay tapos pag may lakad ako nag p-panty liner ako at pinapalitan ko every 2 hrs

11mo ago

nakadaster po ako

Related Articles