Mga mamsh! Enlighten me 🥺

Simula 3 months hanggang 6 months ultrasound ko breech si baby. Ngayong, 34 weeks and 4 days na ako may last ultrasound ako sa 36 weeks ko. Kapag po breech pa din si baby sabi ni OB, iisched nya daw ako ng CS after 2 weeks. Ngayon mga mamsh na sstress ako. Kinakabahan na baka sa last ultrasound ko eh naka breech pa din si baby. Ngayon kasi ang galaw nya is sa taas na ng tiyan ko na lagi naka umbok at ang hiccups nya nasa puson ko, minsan sa gilid ng tiyan. Di ko na din po ramdam sipa nya sa puson noon. Possible po kaya naka ikot na si baby? Or ano po pwede gawin para makasiguro na naka cephalic na si baby except po sa hilot. #pleasehelp #pregnancy #2ndbaby

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pineprepare ko na rin sarili ko ma'CS, mi. 36 weeks na kase pero di pa rin umiikot si baby. last check namin aug22 and still breech. sabi ni OB don't lose hope pero wala e. lagi ko nga knakausap, nagssound, nagllight. ayaw pa rin. team sept ako, start na ng kabuwanan ko nextwk. wala pa naman advise si OB about scheduling CS kase kahit siya pinapalakas loob ko na iikot at iikot si baby dahil sobrang active. ang usual movement nya is ganun pa rin. sa gilid, taas, or gitna ng tiyan. pero yung ulo or bunbunan nya lagi pa rin nasa kanan at nsa taas banda kaya alam kong naka breech pa rin siya. next check ko sept7, first IE rin. nagdadasal pa rin ako na sana by that time nakaposisyon na sya. praying for your baby as well

Magbasa pa

Music po lagi nyo po lagay sa bandang puson mopo effective po yan, 8 months na tyan ko nung umikot baby ko ganyan din ako kaworried lahat ginawa ko, nagtry din ako magpahilot suggest saken don sa lying in na kakilala nilang manhihilot. tas nung nagpaultrasound ulit ako nagcephalic na si baby, nagtry din ako nung mga pelvic exercise tas yung exercise kung paano mo mapapaikot si baby, nagtry ako lumuhod sa mataas na unan tas yung ulo ko nakasagad sa lapag, tas bago matulog pasounds lang tas flashlight

Magbasa pa
TapFluencer

lalakad lakad po kayo sa umaga then bago matulog mag pa tugtog po kayo ng music sa puson po and flashlight itayapat sa puson po, di ko naman po sinabing recommend ko po pero nung napanood ko po siya sa yt ginawa ko po, 6mos po ako breech si baby then after a month cephalic napo siya, wala naman po masama mag try hehehehe kepp safe po

Magbasa pa
TapFluencer

kausapin mo lang din si baby. may chance pa po... tulad nga ng sabi ng ibang mga momshies dito, patugtog ka ng mellow songs, kwentuhan mo, etc.. may mga chances pa nga na 38weeks na nakacephalic tapos after a week umikot pa ulit naging pahalang na.. kaya wag mawalang ng hope. Godbless po 🙏

TapFluencer

same here mii. 7lbs na sa loob sa baby & naka Breech Frank siya. 37 weeks na ako now. I am praying for a normal delivery. Sometimes, nwawalan na ako ng hope 😫 but ppl here are giving me faith me na mag tiwala sa Panginoon. God bless sa atin mii

ako mi nag pacheck up ako 33 weeks si baby breech pa sya nakita sa ultrasound tapos nung bumalik ako siguro 34 weeks and 6 days si baby naging cephalic na sya halos mahigit 1week umikot c baby ko kaya may pag asa pa mi😊😊

patugtogan mo lagi sa may puson mo.pero if ever di sya umikot wala ka magagawa kasi kung dyan sa komportable sa posisyon na yan.if ever man ma CS ka tanggapin mo na lang mahalaga safe kayo ng baby mo.

VIP Member

pa tugtug po music mi sa may puson then tapat ng flashlight pra umikot si baby.. ako din po gnyan breech si baby.nung 8months ngpaultrasound ako ok na cephalic...kausapin din po si baby mi😊

sakinn po non breech din si baby tapos nirecommend ni ob makinig daw po ko lagi ng baby songs tapos nakalagay sa may paanan tapos po non last 2 ultrasound ko umayos na po si baby una na ulo

VIP Member

Same tayo, naka breech pa din si baby. So wala akong choice naka schedule na ko for CS. Medyo malaki na kasi siya wala ng space para makaikot kaya cs ang bagsak ko.