Mga mamsh! Ask ko lang, 38 weeks and 5 days today. Na-IE na ako nung thursday, Close cervix pa pero manipis na sabi ni OB. Kagabi ko pa narara#mdaman kasi na ang sakit ng pwet ko, parang may nakabara at mahuhulog na masakit lalo na kapag naglalakad. Masakit din puson ko pag naglalakad. Ihi ako ng ihi maya’t maya kahit konti pa. Nakakaramdam din ako konting paninigas tiyan at parang natatae pero pag nasa cr naman wala. Pag uupo ako sa bowl parang bumubuka pwet at pwerta ko. Possible po kaya naglalabor na ko pero no pain at no bleed pa? Thankyou sa sasagot. #2ndpregnancy
Read moreSimula 3 months hanggang 6 months ultrasound ko breech si baby. Ngayong, 34 weeks and 4 days na ako may last ultrasound ako sa 36 weeks ko. Kapag po breech pa din si baby sabi ni OB, iisched nya daw ako ng CS after 2 weeks. Ngayon mga mamsh na sstress ako. Kinakabahan na baka sa last ultrasound ko eh naka breech pa din si baby. Ngayon kasi ang galaw nya is sa taas na ng tiyan ko na lagi naka umbok at ang hiccups nya nasa puson ko, minsan sa gilid ng tiyan. Di ko na din po ramdam sipa nya sa puson noon. Possible po kaya naka ikot na si baby? Or ano po pwede gawin para makasiguro na naka cephalic na si baby except po sa hilot. #pleasehelp #pregnancy #2ndbaby
Read moreSimula kaninang umaga nagising ako na masama pakiramdam. Masakit ulo, may sipon at masakit lalamunan pati na din dibdib ko masakit, parang mabigat na ewan. Feeling ko nilalagnat ako. Napasobra ata ako ng kakamalamig mga nakaraang araw. Ngayon calamansi juice lang iniinom ko. Nagkakasipon din ako bihira masakit lalamunan pero nawawala din kinabukasan, ang prob ko yung masakit dibdib ko mga mi. 30 weeks preggy! Ano po kaya pwede gawin? #pleasehelp #pregnancy #3rdtrimester
Read moreHello mga mamsh. Tanong ko lang po! Na detect po kasi last thursday sa result ko ng ihi na may uti ako. Ngayon nag aalangan po ako uminom ng antibiotic dahil kaka antibiotic ko lang last month. Kaya ang ginawa ko po imbis na mag antibiotic ako nag bubuko ako minsan at more water a day since last week. Nakaka 10 to 12 glasses a day ako 1 week na po. Kanina parang gusto ko nalang mag take ng antibiotic kaya nag punta ako sa mercury drug. Sabi ng pharmacist lagpas na daw po ako sa araw ng pag inom which is tama naman po kaya di nya ako binigyan at mag ask daw po muna ako sa OB ko just to be sure na papayagan pa din po na inumin ko yun. Ask ko lang po, Possible ba na maalis ang UTI ko sa buko juice at more water? Nag woworried po kasi ako. Thankyou sa sasagot! 🙏🏻#pregnancy #pleasehelp #2ndbaby #25weeks5days
Read more