Ano ang mas pipiliin mo, ang mawalan ng abilidad na makapagbasa o ang mawalan ng abilidad na makapagsalita?
Ano ang mas pipiliin mo, ang mawalan ng abilidad na makapagbasa o ang mawalan ng abilidad na makapagsalita?
Voice your Opinion
Mawalan ng abilidad na makapagbasa
Mawalan ng abilidad na makapagsalita

3888 responses

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas Pipiliin ko mawalan ng abilidad na makapagbasa kasi bilang isang Autism Mom. Napaka halaga sakin na makapag salita ang anak ko. Kasi gusto ko maranasan makapag salita sya. At patuloy ako umaasa hanggan ngayon na makakapag salita sya. Nung naging isang ina ako ng isang special kid with the heart. Mas na appreciate ko yun mga abilidad ko na hindi ko naman napapansin dati. Kaya kung ako ang tatanungin mahalaga para sakin ang makapag salita. Kasi kaya ko naman matuto mag basa or pwede ko padin naman gawaan sa ibang bagay gaya ng pag tatanong para matuto ako mag basa..

Magbasa pa

Prehas mahirap pero as someone na hindi biniyayaan ng 20/20 vision since 4 years old I found it difficult to read and sometimes it’s frustrating. More than 1000 ang grade ko both eyes and considered na ko as legally blind. Minsan may mga bagay kang ayaw mo nlng sabihin. And that’s what makes vision more valuable for me. Pero syempre I don’t want to lose both! 😊😊

Magbasa pa

Mas ok pa sa akin na mawalan ng abilidad maka pagsalita, kasi may sign language naman ehh kesa kung abilidad sa pag babasa ang mawala para kana ring walang pinag aralan😔

Mas gusto ko ang mag basa. Saka sanay naman ako na hindi pinapakinggan. Saka pwede naman magsulat. May cellphone kapag nangalay na sa sulat kamay...

pareho .. pano ka nga nman makapag basa kung di ka rin nman makapag salita ? 😅 pano ka rin makapag salita kung di ka rin nman makapag basa ? 😅

VIP Member

Feeling ko wala akong pipiliin sa dalawa, kasi pareho kong kailangan. Hindi ka naman makakapagsalita kung wala kang alam na sasabihin.

madami naman sa atin ang di marunong magbasa pero ok naman. pero mas mahirap ang di makapagsalita, di kayo agad magkaintindihan.

makapagsalita, pwedeng sign language o isulat nalang cnasabi ko. mahirap kc ang hindi marunong magbasa.

makapagsalita na lang, kapag marunong ka bumasa pwede mo naman isulat ang gusto mong sabihin

madali lang naman matuto magbasa..pero mawalan ng abilidad sa pagsalita mahirap yun.