Due bukas November 8

NO SIGN OF LABOR pa rin at close cervix pa rin. Umiiyak na lang ako pag naiisip ko na bakit walang progress samantalang due na ko. Lahat naman ginawa ko. Insert ng primrose, lakad halos 4hours, inom ng pineapple, squat sa gabi. Di na rin makatulog ng maayos sa pag-aalala. Kayo mga mhieee? Sa mga same EDD and situation ko dyan. Kamusta kayo? GUSTONG GUSTO KO NA MAKARAOS KAMI NG ANAK KO 🙏🏻😭

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako mhie due ko Ng November 6 at November 5 Wala pa ako sign of labor maghapon un prostrated na ako Kase ayaw ko ma over due Ang baby ko kahit sabi ng OB na pwd Hanggang 42 weeks, but thanks God around 5 pm before Ng due ko may spotting Ako Hanggang may contractions na , around 9pm dinala na ako sa hospital. 17hrs Ang labor ko Kase puro dugo Ang lumabas sa akin. thanks God Nov 6 at 11.45 am normal delivery si baby girl at 2.9 kg.

Magbasa pa

mag search po kayo sa instagram or reels ng mga exercise na pampaopen ng cervix ako kasi ganun ginawa ko 3 days sunod sunod na exercise ginawa ko walking din every morning ayun madali lang pag labor ko😌makakaraos din po kayo mommies dasal lang po palagi at magtiwala sa diyos🙏☝

same tau momshie 39 weeks and 6 days na ko pero no signs of labor padin. pero sabi naman ng ob ko pwede pa naman daw hanggang 41 weeks si bby sa tummy ko, pero syempre gusto ko nadin makaraos agad dahil sobrang hirap na ko makatulog sa gabi.

Same mi Nov8 EDD no sign of labor close cervix din nakakaba kase baka ma poop na sya sa loob observe pa daw another week tas pag wala pa din induce na

khapon din ang due date ko . naiiyak nlng ako bigla kasi wala pa ding sign ng pagle labor 🥺🥺 though 2cm nko pero nkakakaba p rin tlaga 🥺🥺

1y ago

same Po Tau mhie

Ako po due date ko nov 10 Pero no sign of labor parin po kumain na rin po ako ng dates nag insert ng primrose Pero wala parin po😢😢😢

may -/+ 2 weeks naman po, lalabas din po si baby. kausapin lang po natin lagi, sana makaraos na rin po ako.

hi Mie, Edd v LMP: Nov 3 Edd v UTZ: Nov 12 still stock at 2cm. may mga sign of labor na po Pero pawala wala.

Magbasa pa
1y ago

Ganyan din sakin mhieee. Hindi nagtutuloy tuloy. Panay pagtigas lang at pagsakit ng puson. Nakakapraning na isipin ano pa dapat gawin para humilab na ng malala at maglabor na ng tuloy tuloy. Iniiyak ko na lang din talaga tong pag aalala ko 😭

Same po tayo mhie ng Due date .. kahit ako nag aalala nako , sumasakit n dn ulo ko kkaisip 😭

Hindi ba pwede magpainduced? Or cut cervix mi? Ganon kase saken eh, nastock ako ng 6cm.