Solid food

Hi, si lo ko po ay nag 6mos na last july 31 can i ask po ano pong pwedeng ipakain sakanya na solid food since baguhan lang sya sa pag kain. Btw po cerelac po una ko pinatry tas una gustong gusto nya 2x a day ko sya pinapakain morning and hapon lang po tas neto nang mga nakaraang araw ayaw nya na po kainin niluluwa nya na po nagsasawa na po ata. May mairerecommend po ba kayo na pwede ipakain? Gusto ko po sana yung natural lang like mash potato ganun nag try po ako ng ganun kaya nga lang po ayaw nya din kainin di ko po kase alam kung tama ba ginawa ko as in pinakuluan ko lang tas dinurog walang lasa. Help me po momsh

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baby ko hirapan din ako sa pagpapakain gusto talaga niya agad may lasa at masarap like ginisang kalabasa, nilaga na may lahok ng patatas tas yung patatas lang issmash ko. Then puro cerelac din napapakain ko :( kaya di tuloy sya naggain ng weight :( Advise ni pedia ngayon lugaw with egg na nilabon yung yellow issmash sa lugaw. Then yung nilaga lahat pati karne sabay patatas at mga gulay ibblend then ung nablend hnaluan ko pa wt lugaw pa may nangangata sya. Minsan nlg cerelac hehe tsaka fruits na orange at apple :)

Magbasa pa
VIP Member

Pwde po mashed kalabasa ksi medyo manamis namis yun. Carrot masarap dn. Mas ok ung gulay at prutas talaga kesa sa cerelac. Nung maliit uNg baby ko nagkaroon ng carotenimia ng dahil sa sobrang pagkain ng carrots at kalabasa at iba pang gulay at prutas na rich in beta carotene. Although ok lg naman sya, ung effect lg is nanilaw ung kulay nya heheh. Pero nawala dn naman po

Magbasa pa

try mo sis boiled squash, carrots, sweet potato, sayote or apple pwde dn steam broccoli, sweet pea or beans..lahat po yan natry na ng LO ko at gs2ng gs2 nya lht..avoid giving cerelac sna junkfood yan for the baby..my lo jz turned 6 mos. dn nung july 31 pro 5 mos. pa lng npkain ko na sya..

VIP Member

First food po ni baby ko avocado, then patatas, kalabasa, sayote,carrots (7days each po nung una)as advised ng pedia. After po nyan, naglugaw po na wala ng timpla, then banana, apple ganun po so far food ng baby ko

VIP Member

Yung pedia ko, she advised na much better if mga vegetables na may strong flavor muna. Like ampalaya, carrots, etc para masanay si baby sa lasa. Mahirap kasi pag sweet agad, baka di sya masanay kumain ng gulay.

I started avocado for three day straight, with breastmilk. Then, mashed gulay na, 2x a day. Nung nag 7mos na xa, naglulugaw na xa, combination na pagkain nya, 3x a day. Explore ka lng po ng explore mommy.

Super Mum

Try nyo po avocado, pureed or mashed squash with breastmilk or formula if formula fed si baby. Pwede din po luto kayo ng rolled oatmeal with sayote. Mashed potato with breastmilk po pwede din

Super Mum

Normal lang po na ganyan mommy.. Offer lang po ng offer😊 pwede na po yung mashed na veggies and fruits..

lugaw momsh with kalabasa, or carrots yan pinakain ko sa baby ko. kaka 6mos. lang din nya nung july 28..

Mashed Veggies mami.. Like Potato, Kalabasa, Carrot anything mami para good Health si baby