Cerclage Done

Just sharing para makahelp sa ibang mommies out there. Just had my cerclage last night. Tama yung mga nabasa ko dito na hindi sya masakit. Wala ka kasing mararamdaman lalo na pag umpisa pa lang sinabi mo nang gusto mo tulog ka. Pero tama rin yung sinabi ng perinat ko na para kang nanganak. Dahil after ng procedure, 3-4 hrs recovery at di ka makakakilos dahil sa anesthesia. And pagakyat mo sa room, masakit na ang binti at likod mo. Ngalay talaga. Pahirapan makawiwi sa diaper at kinabukasan na ako nakawiwi sa bedpan kasi naiangat ko na hips ko. May spotting/bleeding din at konting cramps na mararamdaman. Hindi ko sure if mapapauwi ako agad. Pero sabi sa akin, baka bukas pa. So friday to Sunday ako. Pero para kay baby ko, lahat gagawin namin. Natakot din ako sa pessary pero nagawa ko. Ilang araw din akong pinakaba ng cerclage pero done na. Konti pa para kay baby.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, how are you after 2 weeks pagakatapos mong ma-cerclage? Baka ma-cerclage din ako sa Monday, if maisingit ako ng perinat ko. I just went to the ER tonight, kase nag bleeding ako ng red. Usually, brownish discharge like last week na nagpa ER din ako. 4th times ko ng nag bleeding/spotting. Short cervix daw ako and Y-shaped, and I'm 41 yrs old na rin kase kaya high risk.

Magbasa pa
1y ago

Thanks for this info. Same age pala tayo kaya both high risk pregnancy na rin. Hindi pa rin ako nace-cerclage, I'm still waiting na mai-schedule ako, sa public hospital lang kase ako nagpapa check up. Right now, wala naman na akong spotting, pinatagil na rin pag insert ng progesterone pero ginawa ng perinat ko is 2 caps morning/ 2 caps night orally na. I'm praying na maging healthy, safe, and full term mga babies natin. πŸ‘ΆπŸ™