39w6d and Baby Zion is out πŸ€—

Sharing my Birth Story.. β™₯️β™₯️β™₯️ Edd:Jan 10,2021 Dob: Jan 9, 2021 Via NSD I have been a silent reader because I'm a first time mom, I have a lot of questions in my mind. Di rin makapag bigay ng advice sa ibang mga mommies kasi nga first time ko lang. Totoo palang nakakapraning kapag palapit na ng palapit ung due date mo, at wala pang signs of labor. πŸ˜… Jan 2 namatay ung lolo ko πŸ˜“ sobrang lungkot kasi biglaan at lage nia sinasabi na kelan nia makikita ung apo nia sakin, hindi na sila nag abot ni baby. Jan 3 check up namin ni baby 2-3 cm nadaw at mababa na daw si baby. Need more squats and lakad padaw. So nasa funeraria kami serve lang aq ng serve sa mga guests para iwas lungkot at matagtag ndin. Nakasocial distancing naman at facemask/faceshield aq. Hanggang sa malibing si lolo naging 4-5 cm na ng wednesday. Pagdating ng friday 5 cm padin. πŸ˜“ Nastuck ata aq sa 5 cm. Kaya hapon naglakad pa kami ng hubby ko. Pagdating ng saturday ng 3 am hindi ko na maitindhan ung contractions ko. Hanggang ginising ko na nga mister ko. sabi q humihilab na. So nagprepare na kmi. Naligo nako. Pero nawawala wala pa ung sakit at alam kong kaya kopa. So hindi kami nagpunta sa lying in kung san ako manganganak. Naglakad pa kami at nagsquat pag balik sa bahay. Nung hapon mejo hindi kona kaya ung sakit nagpunta kami ng lying in at ayun nga 6 cm na kaya nilagyan ako ng epogel sa pwerta para magtuloy tuloy nadaw ung contractions at 7pm na un. 8 pm kaya ko pa nagcall paq sa family ko at kumain pa kmi. 9pm ayan na, naramdaman kona ung active labor na sinasabi nila at sobrang sakit. Pero ayaw paq dalhin sa delivery room ng midwife, pinaglakad at squat pa. Umiiyak naq sa sobrang sakit at talagang puro prayers na ginagawa ko. 10 pm sumisigaw nako ng di kona kaya. 😭 Pagdala ng delivery room talagang sobrang sakit ng hilab at naiinip nako sa knila dahil nagpreprepare palang sila. Gusto ko na talagang umire. 8 cm palang aq pero si baby gusto ng lumabas. So pagputok nila panubigan q, pinaire na nila aq ng sunod sunod. 10:30 lumbas na si baby. Akala ko tapos na makakapagpahinga nako. Nakatulala lang aq kay baby sa sobrang pagod. Pero hindi pa pala aq tapos. Naputol ung umilical cord at naiwan ung placenta sa loob. Nataranta ung midwife at tumawag ng ob. Pinaliwanag sakin na kesyo marupok daw ung umbilical cord kaya nangyari un. πŸ˜­πŸ˜“ At bukod dun kelangan q daw magbayad ng 10k para sa ob. Wala naman aq magagawa kasi andun na un. Ung ob dumating after 30 mins. πŸ˜” Imagine ang tagal q nag antay. Nakahawak ung midwife sa naputol na placenta sa loob ng pwerta q at di daw nia pwede bitawan. Ang worst ng nangyaring un. Pero thankful padin aq naging ok naman ang lahat. Malusog naman si baby. πŸ˜… Napahaba ung story ko mga momshies. Btw 3.1 si baby kaya 3rd degree vaginal tear and inabot ko. 😩

39w6d and Baby Zion is out πŸ€—
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

congrats! hello baby Zion!

Post reply image
4y ago

thanks momshie. πŸ€—