Teen Age Mom
Sharekolang po araw gabi ko kasi iniisip to if magaaral ako this school year walang pagiiwanan si lo grade 11 napo sana ako this year kaso huminto ako. Kinakasama ko grade11 din bali mother nya nagtatrabaho sister nya panganay teacher and yung isang sister nya nagaaral college, father kolang po kasama ko hiwalay na sila ni mama, si papa may trabaho din po, iniisip kolang pano po si lo wala pong trabho kinakasama ko breastfeeding po si lo dito kame nakatira sakanila. Si papa nagbibigay lang po 1k minsanan di din po kase aki nanghihingi kung kelan lang po ako bigyan dun lang po kinakasama ko naman di binibigyan ng pero limang piso nga po pahirapan pa bali pamasahe nya lang po P50 7am-3pm ang pasok nya pinagkakasya nya po pati lunch, teacher nyang sister di po nagbibigay dalaga kase po. Kaya nahihirapan po ako sa sitwasyon ko lalo na pag breastfeeding hirap ako pag sa pagkain nakakalungkot pa po kase ibang iba sa kinagisnan kong buhay to miski mga pinagkainan iiwan lang sa lamesa puros babae pa naman, lolo ko kase nagpalaki samin noon kaya responsable po kame sadyang nabarkada lang ako at masyado kaseng strikto yon kaya ganto po napaaga ako, si papa naman po laging pasok pasok lang po yun pero lahat ng kelangan ko noon nabibigay nya ngayon po nahihiya nako kase, kaya grabe po ako magoverthink halos dinapo ako nakakatulog. Pwede po pahingi ng idea sa mga sinabi kopo nahihirapan po kase teenager lang po sana po may makasagot sobrang nalolonely po ako kame lang ni lo magkasama lagi sa bahay 6months old lang po sya babygirl. Salamat po no bash sana.