kamusta
Share nman mga sis.. kmusta n Kayo ng partner mo? Sweet pa Rin b? ?After mag ka baby or mabuntis?

hindi sobrang sweet as in yung hahalikan ka palagi, yayakapin palagi, pero napaka responsable naman lalo pa ngayong buntis ako. sya gumagawa ng lahat sa bahay ngayon kasi laging masama pakiramdam ko. hinayaan niya akong mag leave sa trabaho kahit hindi ako ssweldo. lagi niyang sinasabi na pagkasyahin nalang muna sweldo niya hanggang sa magdecide ako na kaya kona. night shift sya so bago sya matulog sa umaga, paglulutuan niya muna kami ng kakainin. sa lunch at dinner ganon din. kung anong ulam gusto ko, yun ang bibilhin. kahit mahirap maghanap ng gummy worms, susubukan niyang magikot para makahanap lang. sinasamahan niya ako sa lahay ng check ups kahit wala pa syang tulog. minsan naaawa ako. kaso di ko talaga kaya. kanina nga, sabi ko ako na magluluto, pero di ko matapos kasi naduduwal ako. so khit lunch break niya, pinaglutuan niya padin ako ng pagkain para di ako magutom.
Magbasa pa

