kamusta

Share nman mga sis.. kmusta n Kayo ng partner mo? Sweet pa Rin b? ?After mag ka baby or mabuntis?

294 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes po. Wish nya noon mag buntis ako ilang beses din kami nag try and nabigo pero ngayon buntis na ako 7months mula nung una at ngayon sobrang maalaga nya saken kahit maliit na bagay na iutos ko sinusunod nya🥰 pinagluluto nya ako di na ako gumagawa ng gawain sa bahay sya lahat❤️ kaya ang swerte ko mas lalo pa tumibay relationship namin ngayong magkakaanak na kami 🥰

Magbasa pa
VIP Member

Medyo mas naging sweet the way na hindi ko alam share ko lang sabi niya sakin gusto niya kumain kami sa labas nung monthsarry namin kasi simula lockdown hindi na kami nakakain sa labas so sa isip isip ko akala ko wala na syang pake sa monthsarry namin kasi shempre matagal na kami at may baby na heheh na touch ako bigla nakakatuwa 😍

Magbasa pa
VIP Member

Nung una dami plano nya saken tapos hanggas sa madami na synag iniisip dami prblema daw . Gang sa di na nya ko sinasamahan sa checkup puro dahilan na busy gang ngayon wala ng chat kaya hinayaan ko nalng din dahil kung di ako magchat di din sya magpaparamdam . Ang panget naman sa pakiramdam na ako lang nagpipilit na ichat syan

Magbasa pa

Now na buntis ako sobrang di na kami ok, parang stranger na tingin namin sa isat isa. 2mons nalng manganganak na ko, hindi ko alam kung magiging ok pba kmi. Ngayon plang sinisimulan ko na mag move on, I don't deserve him. Ngayon plang nag pplano na ko para sa anak ko, para saming dalawa lang ng anak ko.

Magbasa pa

Yes, kahit ldr kami kasi nga working sya sa barko still inaalala nya kami ni baby. Kahit wala sya signal bibili sya ng card para lang makapagchat saken kung ok lang ba ako, ndi ba ako napapagod o kaya stress kasi preggy ako. Masaya ako kasi sya ang naging bf/partner ko. Si baby dahilan kung bakit lalong nagiging matatag kami.

Magbasa pa

Yes, wala padin pagbabago😍😊 siympre tayong mga babae after giving birth mas need lalo nagin ng atensyon o mas mapag alagang asawa mapang intindi dahil tayo mararansan natin yung hirap ng pagpupuyat at hirap ng pag aalaga sa bata😊 so still ai hubby walang ngbago from the start ng relationship namin❤❤❤

Magbasa pa

Consistent si hubby. Lagi nya binibigay gusto namin ni baby basta pwede or hindi bawal. Lagi nya din kinakausap si baby sa tummy ko. Malambing at sweet pdn sya samin ng panganay namin. Naging extra caring at responsible sya nung nabuntis ako sa second baby namin. Currently 5 months almost 6months preggy here 😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes,sweet pa rin po ang asawa ko sa akin lalo't naging magulang na kami. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na parang mas sweet pa nga siya ngayon na mag-asawa kami. Kaya nagpapasalamat ako kay Lord mabait,matiyaga at mapagmahal ang napangasawa ko at mabuti rin siyang tatay sa anak namin.😍😍😍

nong lumabas na si LO mas lalo akong napamahal sa partner ko 😊 ang sweet nya parin at nakita ko na dedicated sya sa pagiging father nya. Sarap nya mag-alaga samin mag-ina. minsan napapaluha nlang ako sa tago at nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan Nya ako ng lalaking tulad nya 💙

Mas naging sweet at caring c hubby ko nung nalaman nyang buntis ako .. halos wala n kong ginanagawa sa bahay sya na lahat lalo na ngayong ng quarantine .. kahit na nag eML sya hnd nya ko pinapabayaan .. kung ano gusto ko kainin khit manga sa bubong ng kapit bahay nmin sinusungkit nya😂