Depression
share lang po dito nalang makapaglabas ng sama ng loob ? sobra nakakaiyak nd ko mapigilan umiyak ngaun . wala man lang ako magawa sa sitwasyon ngaun kahit ibang tao parang ayaw ako/kami tulungan . ang dami kamalasan nangyare sakin ngaung taon . japanese tatay ng anak ko magtourist visa sana ako para dun na kami magpakasal tapos dun manganak kaso nadenied ako . so nangyare dito nalang kami kinasal march 16 through agency nagbayad kami 25 kalapad(115k sa peso) kaso nd pa maprocess kasi sakto kasal namin lockdow kaya kailangan niya pa makabalik dito sa pinas ng isa pa kaya ung date ng kasal namin maiiba pero kasal na kami . problema nd siya makauwe dahil lockdown baka hanggang manganak ako wala . ung anak namin magiging illegitimate dahil nd din siya makakapirma sa bc ng bata . nakakastress sobra tapos matatagalan pa bago kami makapunta ng japan dahil dun . ngaun nd ako makapagpacheck up pa din dahil wala kami sariling sasakyan , wala masakyan kahit mag paservice kami wala ayaw nila pumayag . nakaraang month kahit dinugo ako nd ako nakapagpacheck up dahil din dun kahit brgy nd kami pinapansin . iniisip ko manganganak nalang ako wala parin yata mag aasikaso sakin . kahit gamit ng bata wala ako . sa online nag order ako kaso nd lahat sa online ko binili kasi nd naman ako cgurado kung okay lahat ng mabibili ko . nakakaiyak sobra depressed ako ngaun . manganganak na ko sa june ?
Nurturer of 1 adventurous prince