Depression

Share lang mga mommy.. FTM ako at cs delivery yung baby ko 1month 6days na. Simula pag ka panganak nya until now sobrang iyakin, pinatingnan ko na din sya sa dalawang pedia at wala silang makitang problema. Araw gabi grabe syang umiyak nakakabaliw na, ginawa ko naman lahat chinecheck ko din kung may dumi sya o puno na diaper ng ihi, kung nilalamig ba sya o naiinitan I'll always make sure din na hindi sya gutom pero bakit ganun ayaw nya pa rin tumigil sa pag iyak mula umaga hanggang gabi karga ko sya iiyak sya lalo pag binababa ko. Napapagod na rin ako at alam ko hindi dapat pero yun yung nararamdaman ng katawan ko 😭 masakit na katawan ko kahehele at kabubuhat sa kanya wala na rin ako boses sa pagkanta para lang kumanta sya. Hindi ko na alam gagawin ko feeling ko hindi na kakayanin ng utak ko baka mabaliw ako 😭😭😭 napaka dali sabihin na tyaga lang ganyan talaga mga baby pero hindi e kakaiba parang di na normal pero normal naman ayon kay pedia. Sumisigaw na yung utak ko na hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko pero hindi ko pwedeng gawin yun kase kawawa naman baby ko 😭 #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iba iba talaga behavior ng babies.. Natry mo na ba iswaddle? Pwede din nag clusterfeeding siya growth spurt lalo na sa mga newborn babies.. Nag ganyan din eto baby ko mga 1month old in tapos BF baby pa siya di na ko makatayo nghihingi nalang ako ng tubig at pagkain sa asawa ko pag gutom ako na nag uunlilatch si baby.. pag need ko mag banyo nagwawala si baby kasi kelangan niya magdede ulit. 1week upto 2weeks pa nga minsan yan.. Oo nakakapuyat pero kaya mo yan kelangan ka ng baby mo.. Maiiyak ka pero tingnan mo si baby ikaw ang kelangan nyan after ilan weeks makikita mo ang bilis niya lumaki growth spurt e kaya nagliligalig.. tiis lang mommy magbebehave din yan si baby.. Si baby ko ngayon napakabehave pero 7mos na kasi siya at nagpupuyat nalang ako para titigan siya tingnan kung kmusta pag hinga kasi di na naiyak madalas😁 Btw CS mom din ako at bago lang ako nakapag pahinga at eto baby ko NICU baby siya wala pa 24hrs naglalakad na ko at simula nun hindi na ko nagpapahinga. Pero eto buhay na buhay pa naman ako😅 basta yakapin at buhatin mo lang si baby wala din masama humingi ng tulong sa kapamilya lalo na kay hubby mo.. Para makapagpahinga ka din..

Magbasa pa
2y ago

Mommy obserbahan mo din kung nagliliyad si baby pag buhat pwede kasi acid reflux din pag ganon kaya irritable anyway sabi mo nga napacheckup mo na pero mas maganda obserbahan mo mi at inform mo si pedia.. Godbless mi kaya mo yan🙏 tiis lang pasasaan ba at magbabago din ugali ng baby mo hintay mo lang mi at patulong ka muna sa mga kamag anak o kay hubby para makapagpahinga ka din