Depression

Share lang mga mommy.. FTM ako at cs delivery yung baby ko 1month 6days na. Simula pag ka panganak nya until now sobrang iyakin, pinatingnan ko na din sya sa dalawang pedia at wala silang makitang problema. Araw gabi grabe syang umiyak nakakabaliw na, ginawa ko naman lahat chinecheck ko din kung may dumi sya o puno na diaper ng ihi, kung nilalamig ba sya o naiinitan I'll always make sure din na hindi sya gutom pero bakit ganun ayaw nya pa rin tumigil sa pag iyak mula umaga hanggang gabi karga ko sya iiyak sya lalo pag binababa ko. Napapagod na rin ako at alam ko hindi dapat pero yun yung nararamdaman ng katawan ko 😭 masakit na katawan ko kahehele at kabubuhat sa kanya wala na rin ako boses sa pagkanta para lang kumanta sya. Hindi ko na alam gagawin ko feeling ko hindi na kakayanin ng utak ko baka mabaliw ako 😭😭😭 napaka dali sabihin na tyaga lang ganyan talaga mga baby pero hindi e kakaiba parang di na normal pero normal naman ayon kay pedia. Sumisigaw na yung utak ko na hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko pero hindi ko pwedeng gawin yun kase kawawa naman baby ko 😭 #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel youuu mi. pagka 1 month po din ng baby ko sobrang iyakin. Halos pinagpapasahan pasahan na namin sya para buhatin. Lagi din ako umiiyak ng patago nun sa CR sa sobrang pagod. Halos 2 beses din namin siya isugod nun sa ospital kaso wala naman daw problema sakanya at normal daw po talaga na umiiyak ang baby. Pero ngaung 3 months na nea hindi na siya ganun kaiyakin. Umiiyak lang sya pag kinakabag. Kaya mo yan mi. It gets better po habang tumataas buwan niya :)

Magbasa pa
3y ago

ganyan na ganyan din AKo mamsh noong 1st month Namin ni baby. cs din AKo Kasama ko Ang mother ko pero may edad na kaya ako tlga ang ng aalaga. bigla nlang natulo ang luha ko Lalo na Ang partner ko nsa ibang Bansa at hnd prehas ang oras pero tlgang hnd ko sinukuan ang baby ko. ngaun 5 months na xa at iba tlga ang bonding. try mo xa I swaddle