1 Replies

VIP Member

Huwag ka po magpakastress, mommy. Huwag ka rin po magpadala sa mga insecurities. Opo, masakit po yang nararanasan mo. Pero hindi mo po kasalanan kung bakit po ganon ang turing sa'yo ng mother-in-law mo. Choice niya po 'yon and pagkakamali niya po 'yon na tratuhin ka po ng ganon nang dahil lang sa ikaw na po ang priority ng hubby mo. Natural at dapat lang po na ikaw ang priority niya since magkakababy na po kayo and magiging pamilya na po kayo. Hindi niyo po kasalanan kung hindi po 'yon nakikita ng biyenan mo. Kung mas gusto man niya po yung ex ng hubby mo, hanggang 'don nalang po ang kaya niyang gawin dahil hindi na po pwedeng magkabalikan ang anak at ex niya. Ipagpray nalang po natin siya na marealized niya yung mga ginagawa niya. Malay mo po, pagkalabas ni baby magbago ang ihip ng hangin. Basta magfocus ka nalang po kay baby and alagaan at ingatan mo po ang sarili mo. Faith lang po kay Lord. Godbless~ 🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles