nakakalungkot isiping...

share ko lng... 3 yrs na kami ng partner ko at 32 weeks pregnant nako now with our first baby. naka lungkot lng isipin na mas gusto ng nanay ng partner ko yun ex niya lagi ni lalike yun photos sa fb at pinag sasabihan na maganda at encouraging words pg sad quotes yun mga post sa fb. ni minsan hindi nangamusta sakin kahit nun last yr na nakunan ako. kahit na 6 months lng sila nun ex nya mas gusto parin yun ng nanay ng partner ko kesa sakin. feeling ko kya ayaw ng nanay nya sakin dahil simula nung nabuntis ako d na sya nka pag padala ng pera sa nanay nya. natigil din kc ako sa work dahil sa condisyon ko. kya isa din to sa reason na gusto ko na bumalik agad sa work after manganak. ayoko isipin ng nanay nya ako dahilan kya d na nka pg padala anak nya sa kanya mg pera. ang hirap pla pg d ka gusto ng magulang ng kinakasama mo noh. kaka inggit lng minsan tlga..yun gustong gusto ng nanay yun ex at ni minsan d ka kinakausap o kinamusta..haaay...

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Huwag ka po magpakastress, mommy. Huwag ka rin po magpadala sa mga insecurities. Opo, masakit po yang nararanasan mo. Pero hindi mo po kasalanan kung bakit po ganon ang turing sa'yo ng mother-in-law mo. Choice niya po 'yon and pagkakamali niya po 'yon na tratuhin ka po ng ganon nang dahil lang sa ikaw na po ang priority ng hubby mo. Natural at dapat lang po na ikaw ang priority niya since magkakababy na po kayo and magiging pamilya na po kayo. Hindi niyo po kasalanan kung hindi po 'yon nakikita ng biyenan mo. Kung mas gusto man niya po yung ex ng hubby mo, hanggang 'don nalang po ang kaya niyang gawin dahil hindi na po pwedeng magkabalikan ang anak at ex niya. Ipagpray nalang po natin siya na marealized niya yung mga ginagawa niya. Malay mo po, pagkalabas ni baby magbago ang ihip ng hangin. Basta magfocus ka nalang po kay baby and alagaan at ingatan mo po ang sarili mo. Faith lang po kay Lord. Godbless~ 🙏

Magbasa pa