36weeks and 3days

Share ko lng story ko.. Feb. 6 ..Week 35 and 5days nag spotting ako. Then nagpunta aq sa OB for check up pag IE sakin is 1 to 2 cm n daw ako.. sabi ng ob is masyado pang maaga para lumabas c baby.. sa 1st ultrasound ko. March 13 EDD ko. Then sa 2nd ultrasound ko naman is March 8 EDD.. So pinainom aq ng pampakapit para kay baby, then bedrest lng daw para di pa sya mapaagang lumabas.. May ininject din sakin for Lungs ni baby. Incase na magmadali n nga syang lumabas and support n dn sa baga dahil di p fully developed. Tumigil naman yung spotting ko simula uminom aq pampakapit... Then Feb. 10 nag spotting ulit ako then nag panay panay n ung pag sakit nia and pagtigas ni baby sa tummy ko. So nagpunta kami ng OB around 10pm . Pag IE sakin is 2 to3cm n daw. Sabi sakin ituloy ko muna ung iniinom kong pampakapit at bedrest pa dn kung mawawala daw ung pagsakit ng tyan ko.. peru incase n every 5mins daw eh tumitigas n c baby sa tummy ko. Balik n daw kmi at dalhin n ang gamit ni baby.. umuwi muna kami at nag pahinga aq.. peru mas lalong naging intense una every 5mins ang contraction . Peru around 1:30am ng FEB. 11 2 to 3 mins n ang contraction at sobrang sakit na so nag decide na aq bumalik sa lying in. 2am IE ko 5 to 6cm n daw then bglang pumutok panubigan ko.. ayosss makakaraos n din aq. At pinag pray ko lng na sana maging healthy c baby at walang maging complication .. at 3:30am yeeeyyyyy nailabas ko na c baby by normal delivery.. sucessss 😍😍😍😍😍 #secondbaby #pregnancy #36weeks3days

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles