buntis

share ko lng. nung di ako dinantnan feeling ko na agad buntis ako, excited pa nga ako nun pero nag wait ako ng 4weeks. nung unang p.t ko negative so medyo sad, mag send ako ng pic sa partner ko na negative kaso nung nag flash nakita ko 2 line blur lang pala ung isang line. iyak tawa ako nun, buong araw ako nun na iyak sa sobrang saya. kayo mommies anong feeling nung nalaman nyong buntis kayo? or di kayo nag period on your expected date?

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Irreg ang mens ko, sabi nila kapag irreg ka mahirap magbuntis. Last oct nagdecide kami ni LIP na magtry mag conceive kase nga sabi baka mahirapan ako magbuntis atleast maaga palang nagtry na. Nov last mens ko. Naaalala ko pa kase nagpamedical ako nun. Nung dec 2018 nagpt ako before christmas kase late na dapat meron na ako before christmas pero wala, then negative din. So akala ko talaga hindi ako preggy. Until umabot ng january wala parin akong mens. Wala parin sign na magkakaroon na ako. Nag lbm pa ako ng december hanggang january kaya akala ko wala talaga. Malay ko ba naman na sign din pala na pregnant ako nun. Akala ko lbm lang talaga. Before ako bumalik sa workng january nag pt ako kase 2 months na late mens ko which is usually normal lang naman sakin. Ayun positive. Sobrang linaw. Hahaha. Naiyak ako kase excited and natakot din ako. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, natatakot ako kase baka di maging healthy si baby sa tummy ko. Pero lahat yun nawala dahim sa sobrang pag aalaga at support ni LIP at family. Super blessed ako eversince, lalo na ngayon. Super thankful kami ni LIP kay God for our LO. ang sarap sa feeling maging isang ina πŸ˜‡ godbless satin mga mommies πŸ’–

Magbasa pa
5y ago

Sakim din naguluhan yung midwife. Pero ang sinunod niya unang ultrasound ko

3 days delay lang ako usually, every month nadidisappoint ako pag after 3 days nagkakaron ako, pero nung time na yon di ako umasa masyado baka masaktan lang, pero still umaasa pa din na di na magkaron hanggang 4th day. 5th day... 6th day.... nakalipas, Naexcite na ko masyado mag PT exactly 7th day no period nagPT ako naiihi na ko sa Mercury drugs pa lang na bibili ako, tiniis ko hanggang makauwi. Binasa ko yung instruction sabi 1minute wait ko after 3 drops. Tumalikod muna ko. Pero di ko natiis.. Tinignan ko pa din, Nakita ko na inaabsorb pa lang ng papel yung liquid 2 lines na kaagad.. After ilang segundo violet na violet na yung lines πŸ˜‚ Mas maliwanag pa sa kinabukasan ko hahaha, napatulala ako mixed emotions di makapaniwala at the same time confused hahaa pinakita ko sa Hubby ko tinititigan lang nya saka tinago nya πŸ˜‚ Ineexpect na daw nya kasi ilang days delayed na ko 😊

Magbasa pa

Nakalimutan ko last mens ko diba ang tanga ko πŸ˜‚ nag tataka ako bat ansakit ng boobs ko akala ko lang rereglahin akon πŸ˜… tas yung nipples ko unti unting na ngingitim iniyakan ko pa sa bf ko bat kasi na ngitim and medyo lumaki yung nipples ko. Palagi akong gutom as in mag kakape ako around 7am at pag patak ng 8am gutom ulit ko kanin yung hinahanap ko kakain ako at around 10am gutom ulit ako kain nanaman. Sa isang araw 6x akong kakain ng kanin. Dun nako nag taka na di pa pala ako dinadatnan at dati hindi ako mahilig kumain gigising sa umaga kape lang and wala ng breakfast kakain ako lunch 1pm na or 2pm minsan Hindi na rin ako nag hahaponan. Pero may baby na pala yung tummy ko kasi panay kain ako. Dun nag PT ako and we found out na preggy ako at dun ko lang din na alala na 2months na pala akong hindi dinadatnan πŸ˜‚

Magbasa pa

irregular ang mens. ko dahil sa depo ko.. 4 yrs. kung ginamit yon dahil nag aaaral aq after kung manganak sa dalawang prinsesa ko.. kaya di ko alam kung kelan aq magkakaroon.. lately, dami kung ayaw na pagkain kahit kinakain ko naman noon.. month of august matatapos na ung buwan di pa rin ako dinadatnan thats why i decided na mag PT.. parang trip ko lang 😁😁.. 1 am yon.. tpos nong nakita ko yong result dalawang linya.. πŸ‘πŸ‘ nanginginig aq sa tuwa at gulat kasi 8 yrs. din po kaming naghintay... ginising ko asawa ko ayon tuwang-tuwa.. tpos di na kmi nakatulog sa sobrang saya... 10 weeks na po si baby sa tummy ko ngayon.

Magbasa pa
Post reply image

Ako naman sis on the day na dpat datnan ako nakaroon nmn ako kaso spottings lang... so nag napkin n ako... paggising ko ng umaga wala laman napkin ko... napaisip n ako... eh may nagiisang pt p ako fto sa bhay ginamit ko ayun positive... naiyak nalang ako at wala akong masabi kundi thank you lord... from week 5 to week 7 on and off ang bleeding and spottings ko but God is good healthy si baby and everything is fine now... ndi nia kami pinabayaan ng baby ko.. thankful din ako sa ob ko n khit madaling araw pag nagtext ako nirereplyan ako at pinupuntahan ako agad sa hospital.. now we are 12 weeks pregnant...

Magbasa pa

Ako napansin ko di pa ako ngkakaron firstweek of dec..nung una akla ko delayed lng kasi minsan ngiging irreg ang regla ko minsan first week or last week of the month..so wait ko lng mgend yung dec pero napapaisip nko non..tpos may mga sign na inaantok plgi,ihi ng ihi base sa mga research ko lng kasi nttkot pa aq mgtanong at mag pt non..den ntpos ang dec wala aqng regla kya nagduda nko.. Jan 3 nagPT ako den un positive! Iyak tawa nlng ako.. Khit expected ko na ntkot padin ako pero lamang ung happiness kasi sa age ko kala ko di nko magkakababy..πŸ˜‚πŸ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Congrats😊 akov4 years na kami nagaantay ni hubbymagka baby.. nun 2 mos na ako hindi nagmens kala ko wala lang un kse lagi ako nabibigo pag nagppt kaya di pa sana ako mag ppt kse ayaw ko umasa na naman.. kaso may nararamdaman ako na pumipitik pitik sa tyan or sa may puson ko kaya nagdexide aq magpt.. ung una tanghali ako nagpt faint line lng ung isa ung isa sobrang linaw.. di pinakita ko sa ate ko positive na daw u ..naiyak talaga ako sa tuwa sobrang tuwa .. tapos inulit ko pt nung madaling araw at yun sobrang linaw na nung 2 lines😊😊

Magbasa pa
5y ago

Ngayon 3 weeks na si baby girl ko.. August 27 ako nanganak😊

sa akin naman na diagnose akong pcos nun kaya monitored ang mens ko monthly kaya 1week palang ako delayed nun nag pt na ako at positive siya..d pa nga ako naniniwal nung una kaya nagpt ulit ako positive ulit, hindi ko lang kung ano mararamdaman ko that time confuse ako..nung una inisip ko na wag ituloy, pero sabi ni jowa andyan na yan eh panindigan na..so ayon tinuloy namin..sa awa ng Dios safe naman siya at healthyπŸ™‚..si lo ko ang greatest gift na natanggap ko..πŸ™‚

Magbasa pa
TapFluencer

Hindi ko Alam na buntis ako ung Hubby ko Ang Sabi sakin na buntis ako🀣 ayaw kung maniwala Kasi nga irregular ung period ko Hindi ako mabubuntis Nag PT ako kahit gabi na pero Hala dalawang line Ang lumabas subrang linaw talaga pero inulit ko parin Ang pt Hindi ako makapaniwala pero positive tlga siya pwd pla mabuntis ung babae kahit Hindi regular Yung regla Nag video call kaming dalawa at tumatawa siya at Alam na Alam nya na habang ako iyak Ng iyak Na tuwang tuwa

Magbasa pa
VIP Member

Delayed nako nun mga 1 month, pro irregular nmn ako kaya sabi ko wala lg pro d ko lang maintindihan kng bakit naiinis ako kpag nakikita ko ung isa kng katrabaho..eh close nmn kmi nung una..tpos xa na dn msmo nag suggest mag pt dw ako kasi may mga sign nako ng pagbubuntis..ng nag positive natulala ako mga moms..c hubby nmn napaiyak..matagal dn ksi kaming nagtry bago nkabuo..currently 7 mos preggy nko at excited na rin makita c baby. πŸ€—πŸ€—πŸ€—

Magbasa pa