Pagbumili ng maagang gamit ni baby

Share ko lang yung pamahiin na kapag maaga ka daw bumili ng gamit ni Baby mamimiscarriage ka daw. Kasi bumili ako ng diapers at wipes kasi sale sa online then sabi ng byenan ko. Masama daw po yung maagang bumibili ng gamit ni baby kasi yung tyahin nya ganun nangyari sobrang excited daw bumili ng mga gamit agad kasi di naman naniniwala sa pamahiin tas malusog naman daw baby nya pero nung 5mos daw nalaglag daw yung baby. Natakot ako kaya stop muna ako. Sabi sabi din ng iba pamahiin nga po yun. Inisip ko wala namang masama kung di nalang ako bibili agad ipunin ko nalang muna yung money.

85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im not against pamahiin pero d ako naniniwala prang wla naman connection. Mama ko din advise nya as early na malaman n ang gender ni baby or pag tungtung nga 5 months start na ko mag prepare ng gamit ng baby para hindi kami magahul oras at isa pa sa budget hindi naman kasi kmi mayaman na pwde ko magbitiw agad ng 20k isang bilihan. Mahal ng syroller an crib mahal din ang bottles and baby dress. Kaya as early as possible khit paisa isa start ba magcollect ng gamit ng baby.

Magbasa pa