36 weeks and 3 days.

Share ko lang un experience ko since nakauwi na ako ng bahay at medyo humupa na un mga sakit ng konti. Nun 30 weeks ako, naconfine na ako dahil nagpreterm labor ako kaya ginawa ng ob ko lahat para pigilan lumabas ng premature si baby. At my 32nd week, 2cm na ako. Pagdating ng 34 weeks, 4cm dilated na un cervix ko. Ikoconfine sana ulit ako kasi malaki na un 4cm pero nagdecide ob ko na konting pigil pa at sobrang bed rest pa sa bahay. Last Sunday, pang 36 weeks at 3 days ko nun nagstart sumakit un tyan ko ng tanghali. Akala ko minor cramps lang kaya nakahiga lang ako, pagdating ng gabi napapasigaw na ako sa unan kasi sobrang sakit na ng puson ko kaya nagdecide na din ako magpunta ng ER. Pag ie sakin, 8cm na pala ako. Binigyan ako ng pampahilab tas tinawagan na nila un OB ko. 2 hrs nalang sana un hihintayin para mag fully dilated un cervix ko ng 10cm ng biglang bumabagsak un heartbeat ng baby ko kada nagkocontract ako. Hindi niya kinakaya sa loob kaya na emergency cs na ako. Dinala ako sa operating room kasi kailangan malabas agad si baby within 3hrs kasi possible na mag 50-50 kami pareho ni baby kasi humiwalay na din un placenta niya. Sobrang bilis ng nangyari. Wala pa atang 15mins nun narinig ko un iyak ni baby ko habang manhid na manhid un lower part ng katawan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam marinig un iyak ni baby. 36 weeks and 3 days. Kulang pa ng ilang araw para mag full term ng 37 weeks si baby pero palaban un baby ko. Pagbalik sakin sa room, saglit lang binigay na din siya sakin at di na siya nagstay sa nursery. Ang daming pain pagtapos ma CS pero worth it naman lahat un pag nakikita mo un baby mo. Kaya congrats sa lahat ng mga mommies at goodluck sa mga fitire mommies. ?

36 weeks and 3 days.
104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

35weeks po ako nilbas ko si Baby Cs din po mxdo maaga din..

Wow! Strong naman. God bless our babies! 😍🤰🙏

Congrats po! 😊 Anong sign po ng Labor? i'm 36 and 1Day

6y ago

36 and 3 days po ako as per lmp pero considered as full term na po si baby kasi nainjectionan na po ako before ng pampamature ng lungs ni baby nun nagpreterm labor po ako at 30 weeks. Un age of maturity nya nasa 37-38 weeks na po. Hehe

congrats momsh .. worth it po yung hirap nyo. 😍

Wow blessings thank God at ok nmn kau ni baby ...

Same experienced ❤️❤️❤️❤️

congrats sis. welcome to the world baby ❤️

VIP Member

Napakastrong mo mommy! Congrats and God bless!

Congrats mommy😍godbless po sa in u ni baby,

Ano po ginwa nyo bat ang aga nyong nanganak

6y ago

Wala po. nagpreterm labor na po ako nun 30weeks po ako. 1cm na po ako nun. Kaya naka bedrest lang po ako sa bahay.