Diane Avila profile icon
PlatinumPlatinum

Diane Avila, Philippines

Contributor

About Diane Avila

FTM

My Orders
Posts(34)
Replies(258)
Articles(0)

Hello, world!

Nickname: Dash DOB: Feb. 21 EDD based on LMP: March 11 EDD based on ultrasound: March 21 38 weeks based on Ballard score Sana all no longer. It's now my turn to share my story 💗 Check-up ko lang dapat last Feb. 17, but when my OB did an IE, we were both surprised that I was already 3-cm dilated. No pain so far, kaya pagkauwi ko, nag-ayos lang ako ng gamit na dadalhin sa hospital. Nagpa-swab test na rin ako right after my check-up. Feb. 20 - I had another check-up para i-monitor yung heart rate ni baby at yung panubigan ko. I was already 4 to 5-cm dilated. Still no pain. Hindi pa ako makapagpa-admit though kasi wala pang result yung swab test. Sabi ng OB ko, as soon as ma-release yung result, magpa-admit na ako. Feb. 21 - Na-release na yung result ng swab test ko, so nag-ready na kami magpa-admit. Pagdating sa ER at 1pm, akala ko mag-stay pa muna kami sa waiting room hanggang maka-feel ako ng contractions. Nagulat ako na dinerecho na ako sa labor room. Active labor na raw kasi ako, pero no pain pa rin. Pagdating sa labor room, I was already 6-cm dilated. Nag-inject na sila ng oxytocin (pampahilab) kaya kinabahan ako kasi lalakas na raw yung contractions. To my surprise, wala pa ring pain. Nagtanong pa ako sa nurse kung start na ba yung contractions. Sabi nya, kanina pa haha. I was already 8-cm dilated that time. Nag-request pa naman ako ng epidural kasi natatakot ako, but the anaesthesiologist said hindi ko naman kailangan. At around 7pm, nagpanic ako kasi narinig ko yung mga doctors and nurses na bumaba raw yung heart rate ni baby. Hindi na nag-progress yung dilation ko, so kinausap na kami ng husband ko. I ended up having an emergency CS. Ayokong i-risk yung safety ni baby kahit 2cm na lang ang kulang. I gave birth to a baby girl at around 8pm. Grateful ako kasi kahit CS ako, at least wala akong pain na na-feel during labor. Thank you, baby. To all pregnant mommies out there, I pray for a safe delivery -- mapa-normal man or CS. Mababa yung pain tolerance ko, and takot ako sa needles, pero nakaya ko. Kaya nyo rin!

Read more
Hello, world!
 profile icon
Write a reply