How to win over my husband?

Share ko lang po at pahingi ng advice. I have trust issues kasi ilang beses ko na nahuli ang asawa ko na nagloloko at nambabae sa pareho (nag-iisang) babae na pinagseselosan ko. Kahit noon pa mang magkasintahan pa lamang kami. Ngayon po, naging paranoid na ko na nagtetext pa din siya dun sa babae at nagchachat. Palagi na akong nagdududa sa kanya. Sa tingin ko nasasaktan ko na din siya sa pagiging paranoid ko. Pero di naman ako masisisi. Kasi ilang beses na niya talaga ginawang lokohin ako. Almost 3 weeks ago palang, inaway ko siya kasi nahuli ko na nagtetext nga yung babae sa kanya. Dinelete ko yung number ni girl. Though I know there's a big possibility na memorized naman niya yung number nun. Nagalit siya sakin start nun. Hindi na nga siya nagloload. Hindi na din ako chinachat kapag nasa opis siya kahit free naman ang messenger. Nasasaktan ako kasi yung number nung babae ang dinelete ko pero ako yung hindi nakakareceive ng text o kahit chat. Iniisip ko baka nga masyado naman akong praning at nasaktan siya ng todo sa ginawa kong pag invade ng privacy niya. Ilang beses na din kasi niyang sinabi sakin na friends na lang naman sila ni girl. Sa isip ko kasi, that can never happen na magkaibigan lang ang isang babae at isang lalaki lalo na kung noon pa man may motibo at malisya na. Ang problema ko ngayon. Silent treatment siya sakin. Not totally silent, kinakausap naman ako pag tungkol sa baby namin. But he's gone cold na kahit lagi akong tinatanong pagkauwi niya ng bahay galing opis kung kumain na ba ko? Ang pakiramdam ko para lang di ko masabi na wala na lang ako sa kanya. Pano po ba ayusin ito? I want to win him over again. Gusto kong maging maayos kami para sa baby namin. Ano ba ang paraan para maging sweet ulit sakin ang asawa ko?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

The best way is magusap kayo ng masinsinan sis. I had the same situation before ang masaklap yung girl (ex and 1st love niya) yung laging nagrereach out palagi sa partner although hindi kami kasal but at that time I was pregnant with our 1st baby and live in na kami nun. Nung time na nahuhuli ko sila magkachat palagi akong galit at nakikipagtalo sa kanya pero sinabi ng mother ko walang problemang naayos sa galit mas magandang makipagusap ng maayos at masinsinan. So yun nga po ginawa ko kinonfront ko ang partner ko in a nice and calm way sinabi ko yung side ko na nasasaktan ako ganito ganyan and even ask him kung mahal niya ba talaga ako kasi kung mahal ka talaga ng tao hindi ka niya bibigyan ng rason magselos sa ibang tao. After talking siya na mismo nagstop makipagusap sa girl he even blocked it on facebook para di nako magalala or magisip pa

Magbasa pa
5y ago

Maybe sis it's time to ask Kung Sino b tlaga gusto niya makasama ikaw or siya.