36 weeks delivery

Share ko Lang po naranasan ko February 28,2020 umaga po naramdaman ko may lumabas na tubig sakin para akong umihi lumagpas sa short ko pero kunti Lang then tinanong ko sa biyenan ko Kung normal Lang Yun Sabi nya normal Lang daw Kasi nagbawas Lang daw.. tapos di ko nakuntento nagtanong din ako SA hipag ko.. Sabi nya pumunta daw ako NG OB pa check daw ako. tumawag ako SA maternity clinic at pinapunta na nila ako SA hospital...then IE ginawa sakin tapos ultrasound then hindi agad nagsalita Yung OB.. regular po check up ko at kagagaling ko Lang sa kanya nung February 26 tapos sinabi nya sakin na mauubusan na pala ako NG amniotic fluid...napaiyak ako bakit ganun ginawa ko Naman lahat... Tapos di ko man Lang napansin na at risk na pala kami ni baby... Sinimulan na nila akong I confined at tinurukan NG pampahilab... Pag di daw lumabas NG 24 hours CS na ako... 7 pm February 28 nagsimula na humilab Yung tiyan ko at lumabas na maraming tubig... Then nung 1 am 3cm na siya.. And finally lumabas na siya 1:42 am February 29,2020... Nalungkot Lang ako Kasi gusto ko Sana full term si baby... 2.3 kgs. Si baby ko .. Thanks God naka survive kami.. First time mom here.. Lesson learned... Wag mahihiyang magtanong..☺️

36 weeks delivery
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

congrats po