7months pregnancy lost

share ko lang po, nakunan po ako kahapon 7months na baby sa tummy ko :( bigla na lang sya nawalan ng heartbeat tatlong beses kami nag paultrasound para sure kasi hindi ako mapakapaniwala na patay na sya sa loob ng tyan ko pero wala talaga sa tatlong ultrasound na yon iisa sinasabi walang heart beat, kaya nag punta na kami sa ospital binigyan ako ng pang pa labor october 15 ng madaling araw ko sya nailabas baby boy sya, hirap na hirap ako sa pag lalabor sobrang sakit talaga pero mas masakit nung nawala sya sakin 😭 pangalawang beses kona po to na nawalan ng baby yung una 4months naman sya sa tummy ko pero mas masakit yung ngayon kasi konti na lang lalabas na sya 2months na lang tapos biglang nawalan ng heart beat at naubos panubigan ko, hindi ko matanggap mga momsh 💔😭 Sa ngayon ayoko na una mag anak, kasi hindi ko alam kung kaya koba sya palitan sa buhay ko at isa pa sobrang nakaka trauma pinag daanan ko mailabas ko lang sya ng normal kahit wala na sya, mula sa pag lalabor at pag ire sa kanya hirap na hirap ako para akong malalagutan ng hininga buti na lang andyan partner ko naka alalay sakin, siguro may mas magandang plano sakin si god ayoko na muna mag baby hindi ko pa sya kayang palitan at natatakot ako mawalan ulit nakakabaliw na 💔🥺 anjan kana sa heaven anak kung may pagkakataon lang na mahahawakan kita hinding hindi kita bibitawan baby ko, Hindi ko matanggap pa rin bakit naman kasi iniwan moko ilang beses ako nag mamakaawa sayo na wag mo iiwan si mami diba? kasi ikaw buhay ko pero iniwan mopa rin ako, Kumpleto ka naman sa checkup at vitamins hindi rin ako kumikilos pero bakit ganon? 😭 kinuha kapa rin pakiramdam ko napaka walang kwentang nanay ko sayo sorry anak alam ko masaya kana dyan sa piling ni god gabayan mo kami ni daddy at sana kayanin namin to 🥺💔 Alam mo kung gaano kita kamahal, nung sinabi sakin ng doctor na wala ka ng heart beat di kami naniwala pinaulit pa namin ng tatlong beses ultrasound ko sa ibat ibang ospital pero wala kana talaga 😭

7months pregnancy lost
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mommy🥺 Anyway story kolang nung kung san ako nanganak. Nung dadalhin naako noon sa ward sa isang room may isang babae akong kasama. So ako naman si chismosa (hehe) nag ask lang naman ako kung nasan ung baby nya.. Tapos bigla nyang sinabi na "NAMATAY UNG BABY KO SA LOOB NG TYAN KO" kahit hindi ko sya kilala naiyak talaga ako sa kwento nya. Ayon sa kwento nya nagpapa glucose dw sya ang expect nya namatay dw baby nya sguro sa kaka inject sa kanya para sa sugar nya. Actually nakasabayan ko din sya magpacheckup before kami nagsabay din manganak. Sya pala ung tiningnan ng mga doc pati sa nag ccs na doc tiningnan hb ng baby nya ang tagal nya sa loob wala talagang ma detect na hb ni bby nya un pala patay na. Nakakalungkot lang. tapos kwento pa nya na halos hindi na dw makita ung gender ng baby nya kasi as in natutuklap tuklap na dw mga balat ng baby. Kaya namatay anak nya ng di manlang nalalaman kung babae o lalaki 🥺🥺 Kaya pinangalan nalang sa baby "angel". Kaya mga mommies na preggy dyan always nyong echecheck babies nyo sa loob ng tummy nyo. Inom kayo ng malamig na tubig para magising o gumalaw sya. Laro laroin mo lang sya.😊 Goodluck mommies🥰♥️

Magbasa pa
Related Articles