7months pregnancy lost

share ko lang po, nakunan po ako kahapon 7months na baby sa tummy ko :( bigla na lang sya nawalan ng heartbeat tatlong beses kami nag paultrasound para sure kasi hindi ako mapakapaniwala na patay na sya sa loob ng tyan ko pero wala talaga sa tatlong ultrasound na yon iisa sinasabi walang heart beat, kaya nag punta na kami sa ospital binigyan ako ng pang pa labor october 15 ng madaling araw ko sya nailabas baby boy sya, hirap na hirap ako sa pag lalabor sobrang sakit talaga pero mas masakit nung nawala sya sakin 😭 pangalawang beses kona po to na nawalan ng baby yung una 4months naman sya sa tummy ko pero mas masakit yung ngayon kasi konti na lang lalabas na sya 2months na lang tapos biglang nawalan ng heart beat at naubos panubigan ko, hindi ko matanggap mga momsh πŸ’”πŸ˜­ Sa ngayon ayoko na una mag anak, kasi hindi ko alam kung kaya koba sya palitan sa buhay ko at isa pa sobrang nakaka trauma pinag daanan ko mailabas ko lang sya ng normal kahit wala na sya, mula sa pag lalabor at pag ire sa kanya hirap na hirap ako para akong malalagutan ng hininga buti na lang andyan partner ko naka alalay sakin, siguro may mas magandang plano sakin si god ayoko na muna mag baby hindi ko pa sya kayang palitan at natatakot ako mawalan ulit nakakabaliw na πŸ’”πŸ₯Ί anjan kana sa heaven anak kung may pagkakataon lang na mahahawakan kita hinding hindi kita bibitawan baby ko, Hindi ko matanggap pa rin bakit naman kasi iniwan moko ilang beses ako nag mamakaawa sayo na wag mo iiwan si mami diba? kasi ikaw buhay ko pero iniwan mopa rin ako, Kumpleto ka naman sa checkup at vitamins hindi rin ako kumikilos pero bakit ganon? 😭 kinuha kapa rin pakiramdam ko napaka walang kwentang nanay ko sayo sorry anak alam ko masaya kana dyan sa piling ni god gabayan mo kami ni daddy at sana kayanin namin to πŸ₯ΊπŸ’” Alam mo kung gaano kita kamahal, nung sinabi sakin ng doctor na wala ka ng heart beat di kami naniwala pinaulit pa namin ng tatlong beses ultrasound ko sa ibat ibang ospital pero wala kana talaga 😭

7months pregnancy lost
65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

condolence mommy. ako po mommy nakunan sa first baby 22 weeks immature placenta naman po findings. sa second pregnancy ko po naman kumonte panubigan pero kabuwanan ko na kaya na ECS po ako the day ng follow up check up ko po. nakita po ng OB ko sa ultrasound na onte na panubigan ko. sa 3 ultrasound niyo po ba mommy hindi nakita panubigan niyo kung naubos na po?

Magbasa pa
3y ago

nakita po sa tatlong ultrasound na yon puro sinasabi na wala na nga panubigan

Related Articles