hoping to have a baby

Share ko lang po. Kinasal po kami ng asawa ko nung april lang. Nung april na yun nagmens pako. Tapos nung May di nako nagkaron pero negative naman. Tapos june 30 naman nagspotting lang ako pero negative nanaman pt ko. Tapos netong july 19 nagmens na talaga ako hanggang 27 natapos mens ko. Hoping talaga na magkababy na kami. Sobrang naiistress nalo kakaisip hehe. Lalo pag may nagtatanong kung di pa ko buntis. Kung alam lang nila na gustong gusto ko na din magkababy. Pero pray lang pray alam ko bibigay din ni Lord at the right time. Hoping din na sana lahat ng gusto ng magkababy ay ibigay na din ni Lord ??

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Don't mind yung mga tao na nagtatanong kung bakit hindi ka pa buntis. April ka lang kinasal. Ibibigay si baby sa tamang panahon. Don't stress yourself. Take folic acid in preparation for pregnancy, that's my OB's advise before I got pregnant.

6y ago

Hays lalo na ako last January 2018 pa kami kinasal until now di pa ko nabubuntis. Last feb 2019 ako nagpaalaga sa ob dahil irregular mens ko and dun ko nalaman na may pcos ako. Pero after ko magtake ng pills naging regular na mens ko for 3 mos. Keep on trying lang ibibigay fin saten ang hiling natin.