Share ko lang po experienced ko nung time na labas pusod ni baby. After malaglag umbilical niya napansin ng mother ko na nakalabas pusod niya, so ang gusto nila gawin e i-bigkis si baby ko. Syempre nag dalawang isip ako kasi ang alam ko bawal na sa mga bata ngayon. Pero hinayaan ko si mama ko, observe lang ako. Hanggang sa napansin ko kada busog si baby ko nagsusuka na(iniisip ko nasisikipan) So pinatanggal ko na. 3 days langa siguro un. Umuwi kami sa bahay ni lip na walang dalang bigkis, ang sabi ng lola ni lip butad si baby(malaki ang tiyan) and labas ang pusod ,ako naman walang pakialam sa sasabihin nila kung malaki or pangit tiyan/pusod niya kasi ang importante sakin walang nakaharang sa tiyan ni baby and comfortable dapat siya. So 2 months ng nakalabas pusod ni baby ko kasi nga ayaw ko pabigkisan. Ang gamit ko non na diaper is EQ small so hindi abot sa pusod ni baby, then nagswitch ako bumili ako ng Pampers easy pants Medium. So hanggang pusod na yung matatakpan, yun lang ang gamit ko upto now na 3 months na siya and napansin ko na pumasok na yung pusod niya and lumiit ng konti tiyan niya. Di ko sinubukan yung piso na ibabalot sa tela kasi nabasa ko before na kahit pakuluan mo siya ng mainit na tubig e madumi pa din. Hehehe any ways kanya kanya naman ng opinyon. Nag share lang po ako ng experience ko kung takot kayo pabigkisan si baby dahil labas ang pusod. 😊 #1stimemom #firstbaby