Depressed

Share ko lang po bago pa man ako mabuntis depressed na ako sa family ko, family problem. Yung nanay ko kasi unfaithful. Masyado niya ng ginagago yung tatay ko. Btw, I'm 22 years old na. Tapos ngayon buntis pa ako, 28 weeks na. Kanina iyak ako ng iyak sa bahay ng tita ko. Sobrang nakakasama kasi ng loob. Pinatahan nila ako kasi masama daw yun baka duguin pa daw ako. Kumalma naman ako kahit papano. Iniisip ko na lang si papa saka yung baby ko. Dati laging si papa yung iniisip ko, ngayon nadagdagan na ako ng dahilan para magpatuloy sa buhay. Btw, hindi din pala ako pinanagutan nung nakabuntis sakin, pero nagiging okay naman na ako. Gusto kasing gawin ng ex ko nun wag kong ituloy to. Ayoko, nahipaghiwalay ako. Hindi ko magagawa yun. Kakayanin ko para kay papa at baby. Babawi ako sa kanila pagkapanganak ko. Magtatrabaho ulit ako. Nakatapos naman ako ng college bago ako mabuntis at nakapag work na din ng isang taon. Share ko lang. Ang bigat kasi sa dibdib. Kakayanin!?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Aaw.. Loving daughter. Sana matauhan na mother mo😩 pagsubok lng yn momsh. Pray lng po. Matatapos den yan.

5y ago

Sana nga po matapos na. Iiyak lang saglit then tuloy ang buhay. Para kay papa at baby. Pray lang ng pray!🙏

Napaka tatag mo..patuloy kalang sa pagdarasal..nakikinig ang Diyos sa mga lumalapit sakanya..💓

5y ago

Salamat po. Opo pray lang po ng pray!🙏