IV BURN ( dextrose )

Share ko lang pinagdaanan ng anak ko sa public hospital dhl sa kapabayaan ng mga nurse🥺 3 months na si baby buti nalang guhit na peklat nalang yung natirang bakas. Kaya sa mga mommy dyan double check nyo si baby kapag nakadextrose kht nasa nicu pa yan dhl baka hindi mamalayan namamaga na pala yung kamay nya

IV BURN ( dextrose )
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ito na kawawa talaga Pilipinas. di na nabantayan ng maayos ang mga pasyente dahil sa kakulangan. nurse ako at masasabi ko na di na talaga kaya maibigay ngayon ng nurse ang best nursing care dahil understaff. understaff din kame imagine ICU pero 3 to 5 patient ang hawak panu mo mababantayan lahat ang mga nakatubo na yun? wala kase nagbbigay maayos na pasahod kaya nag aalisan na ng Pinas. Ang hirap mo mahalin Pilipinas. Ni wala pagpapahalaga sa mga Nurses na overworked yet underpaid. Nakakawa ang nangyari kay bebe nagextravasate na malamang sa mga matatapang na gamot at di nicheck kung intact pa ang line. ang alam ko kapag pedia patient doctor ang nagiinsert ng line hindi nurses. pero dapat nabantayan din. kung nasa nicu yan pwede kayo magreklamo dyan. kase alam ko mas onti hawak na pasyente dun parang 1 nurse to 2 to 3 babies lang. Pero pag nasa ward at kasama ang mommy or daddy dapat pinansin nyo po agad para maireport yan. usually kase sa ward mataas ang census at nurse patient ratio kaya di na mafocus ng nurse lahat2. parents or bantay unang magrereport nyan. lalu na at kulang na kulang nurses dito sa Pinas. Apply flammazine or Bactroban ointment kung ano reseta ni doctor. nakakaiyak naman yan. kaya di talaga ako kampante na binabalutan ng diaper o tinatakpan ang IV lines. kung may transparent dressing mas maganda na yun ang ilagay para kita kung may redness, irritation at phlebitis na. sobra sakit nyan kay bebe. 😭😞 Magreklamo po kayo para magsilbing lesson ito sa ospital to train their staff and address the problems bat nangyayari yan. minsan kase need gulantangin ang mismong management kasama c director.

Magbasa pa
1y ago

okay na po mi sugat ni baby 3 months ago. peklat na guhit nalang sya ngayon🤗

VIP Member

Kawawa naman si baby. Nakakadurog ng puso. Pwede ka magfile ng reklamo dahil sa kapabayaan nila at grabe nangyari sa ginawa nila. Para di na maulit. Yung baby ko na naconfine sa Nicu after ipanganak .Namaga din ang kamay buti at napansin ko nang magpadede ako. Ginawa ko kinausap ko agad ang nurse assigned at pinakiusapan na tingnan tingnan lalo na at maiiwan anak ko for a week. Sabi nya pasensya po lagi po kasing mahabang oras ang duty namin kaya minsan ay di na namin napapansin. Sabi ko na lang sana di na maulit kasi magrereklamo na ako kapag naulit. Ayun simula nun naging okay naman pagbabantay sa anak ko. Sa private hospital ko yan naexperience.

Magbasa pa
1y ago

mula nun maya maya chinicheck na nila si baby at cathula brand na lagi nirereseta nila

Baby ko 1 month din na admit sa hospital after birth pero sa neonatal ward kami. Tlgang binabantayan ko yung IV niya kung saan tinuturok yung gamot baka namamaga na kase tas iiyak si baby. May inaway pa nga akong nurse dun kase di nag flushing before and after lagyan ng gamot. Sumigaw baby ko sa sakit sinugod ko siya sa nurse station. Dapat tlga nirereklamo mga ganyan eh. Sakin nilagay ko siya sa survey ko for bad service. Bukod tangi lng siya na nurse tumurok ng ganon sa baby ko, habang yung iba ingat na ingat kase maliliit pa ugat ng mga niyan kawawa naman.

Magbasa pa

Aww ang sakit nyan po. Get well soon ky baby. Kya nung nahospital dati anak ko, bantay sarado ako sa mga nakaka kabit sa kanya. Kahit private pa yun, chinecheck ko talaga at sinasabi agd sa nurse kapag alam kong may mali lalo pg malapit na mamaga pinapalipat ko ung pwesto ng IV nya. Sana mawala yang bakas ng peklat nya mamsh.

Magbasa pa
1y ago

yes po okay na si baby🤗 buyag lang hehe

Post reply image

Kamamatay lang ng anak ng kbgan ko. Sa general hospital dinala. Kumpleto ng bwan. Manganganak na tapos hirap ung nanay. Lumabas balikat ng baby tapos matagal pa bago sinesaryan. Umitim na ung bata. Grabe talaga. ICU 2 days. Di naka survive si baby 😩 katakot naman tong mga ganitong hopsital

1y ago

kalungkot naman🥺 kaya ako di na pumasok sa isip ko yung mag complain dhl nasa utak ko is mailabas ko lang si baby sa nicu okay na ko. Di ko na ininda yung word na binat. after ko manganak first ligo ko sa cr ng hospital public tiis tiis dhl ayokong umuwi sa bahay.

Am a nurse it's a negligence grabe kaya po ingat na ingat ako di maospital anak ko as a nurse mateculious po ako better file a case grabe po talaga kawawa si baby nicu iyan 1 on 1 tingin ng nurse dyan di madami pasyente kaya kapabayaan iyan

1y ago

buset pa mga nurse. nicu sila pero grabe magchismisan ang iingay di nila naiisip yung mga baby

TapFluencer

Kamusta na kayo Mommy? Kamusta na si Baby ngayon? nakaka-lungkot naman po na may mga ganoong pabaya na ospital :( I hope they covered yung mga bayarin nyo for recovery and treatments.

1y ago

okay naman na po and 3 months na si baby parang wala lang nangyari. since public hospital nga may Malasakit center na pwede mong lapitan para ma zero bill.

kawawa nmn c baby, ang baby ko dati tinorokan ng nurse dalawang kamay kasi hindi daw makita yung ugat, naiyak talga ako at nag complain kmi n hubby ko.

1y ago

babait lang sila sayo kapag alam nilang may kasalanan na sila

thanks god ok na baby... nag hilum ang sugat nya ..kwawa nmn pinag daanan ng baby... sana ausin ng mga nurse lalo at baby... 🥰

Diyoskopo parang gusto ko manakal ng staff ng hospital kapag datnan ko ganyan anak ko😭