Baby Bin Box for Hospital
1st Photo: Share ko lang ang baby box ko ready for baby's big day. ❤️ Naka scheduled CS po kami sa Feb 3 dhl breech si baby, and 36 weeks na kami today. May chance pa kaya umikot si baby ng ganitong stage? Ilang damit dala nyo sa baby box nyo mga momsh? pa share naman ng mga experiences nyo during panganganak sa hospital. 2nd Photo: Naka arrange na din mga damit ni baby sa drawer nya ❤️ Super excited na kami sa paglabas nya. 😊 #FTM #1stimemom #Csection #babybox #TeamFebruary #TeamFebruary2022
3 sets dala namin though unexpected na CS ako kasi cephalic naman si baby kaso masyado maliit sipit sipitan q kaya emergency CS at di kinaya i normal delivery. ung hospital katabi lng ung puregold kaya very convenient kapag may need bilhin. Sabi ni OB ko sa 36 weeks slim na ang chance umikot si baby kasi maliit na space nya. good luck and god bless sa operation mo momshie! kayang kaya mo yan. ☺️
Magbasa papag 36w momsh mejo alanganin na pero try mo pa magpa utz before your sched. 5 sets yung dinala ko nun since sched cs din ako. 3 set plus isang receiving at going home pero pare pareho lang din yung laman kada set. kahit siguro iba iba yung ospital, dala ka nang bottle just in case sis kung di ka pa nakadala. 2 yung hininging bottle sa akin nun.
Magbasa paNakakatuwa ka naman mommy ang organize mo. FTM ako and never ko naexperience na ako ang mag organize ng hospital bag, basta hiningi lang sakin ng biyenan ko yung lista ng dadalhin then sya na naggayak, ending kulang kulang or mali mali ang dala namin dun buti hindi kami nakagalitan ng nurse at midwife, to the rescue din iba kong kasama sa ward.
Magbasa panormal delivery, di ko expected na need ng baby oil. nag dala ako ng mga pang ligo ni baby like soap and shampoo di naman nagamit since oil lang pala ung pang linis sa kanya after delivery. also, mag ready ng 1L distilled water sakali need ni baby mag formula milk
ang usual hospital package ay 3d2n. so ang dinala kong damit ay good for 3 days din, bukod pa ung ibibigay sa nurse i suggest magdala ka ng socks mo kase giginawin ka (side effect din ng anesthesia). dala ka rin ng sarili mong kumot. have a safe delivery po
Magbasa pahi mommy. parehas tayo. 38 weeks na ako pero breech sya. nakakakaba kasi CS ko bukas. sa mismong birthday ko. nagbabakasakaling umikot si baby pero di na lang ako umaasa. gnawa ko na kasi lahat para umikot sya.
Nasa ziplock na lahat para organized at di na maghahalungkat sa bag. Since maliit pa mga clothes ni baby, takaw misplaced pa minsan. Pag ganyan tamang kuha nalang bawat palit. Very convenient 😊😁
full term pregnancy ay 40 weeks,i suggest na magpa ultz ka ulit to double check few days bago nd sched mo na CS,possible na umayos sa position si baby since sabi mo 36 weeks ka palang
so organized! 😍 may chance pero slim chance na lang usually if near due na ang pagikot ni baby since limited space na din sila sa tummy. safe delivery.💙❤
oo nga daw po.. sabi din ni OB baka di na makaikot kasi maaikip daw skin ng tyan ko. thank you po! 🙏❤️
I wish ganito din ako kaorganized nung time na manganganak ako hahaha❤️💗
(๑╹ω╹๑)