Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

Finally!
177 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman yang mga ospital na yan. Ung ibang ospital pag walang record pinapagalitan lang nila

thanks God for your safety both of you...in GOD nothing is imposible tlga...👶😇Godbless ur lil angel

Kaya nga ayaw ko manganak sa public hospital , bukod sa maraming tao di kapa naasikaso ng maayos 😔

VIP Member

Buti nlng okay si baby😇 cute cute pa naman, kakastress yung ganyan tinatanggihan ng hospital.

Congrats po.. pede po ba malaman saan kayo naka hanap ng hospital? Cavite area din ako .. thank you po

5y ago

Paano po kung walang check up dyan, di po ba magagamit ang philhealth? Nagpacheck up kasi ako dyan nung nakaraan kaso di na ko tinanggap kasi 35weeks na ko.

VIP Member

grabe nmn ung di tinanggap alam nman ng emergency. anyways, congrats mamsh.. god is good po!

Ipagpasa Diyos mo na lang ung mga ganyang taon. Atleast safe kayo ni baby. Congrats🙂

Mabait talaga si Papa God mommy. Wag mawawalan ng pag asa 🙏 Congrats po mommy! 😍

Congrats momsh!! Haay...bakit ba naman kc may mga ganyang ospital!! Nakakabwisit..tsk!

Nakakaiyak naman momsh. Congratulations. Buti nalang strong si baby. God bless. ❤