Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

Finally!
177 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats sis!!...Thanks God wla nangyari masama s inyo..God is good all the time..

Hayst. Ayoko na sa pilipinas. Haha. God bless our babies! πŸ™πŸ€°πŸ˜ Congrats!!!

VIP Member

Nako kaya ayoko dyan sa ospital na yan sa trece eh. Tsk tsk. San ka nanganak sis?

VIP Member

Daming struggles na nangyari pero still okay kayo ni Baby mo.. Congrats po! 😊

thankyou lord πŸ˜‡ congrats mommy. everything was all worth it πŸ˜ŠπŸ˜‡πŸ˜‡πŸ’•

Congrats momsh, buti nlng dn bngyan k n god ng lakas ng loob sa pngdaann mo☺

Congrats po, buti nalang nakaligtas kau.. Mahirap manganak sa panahon ngyon..

Kaya takot ako mag public hospital lalo na 1st baby ko . Btw sis congrats

Congrats sis.. Nakaraos din kau kame nman ng baby ko sana makaraos din

Congrats po buti ok si baby. Sino po tumanggap na hospital sa inyo?