Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

177 Replies

Sis san ka po nanganak? taga trece din kase ako. Congrats po 😊

TapFluencer

Godbless po sa inyong dalawa ni baby! Congrats sa success ❤️

https://www.woopworld.ph/l-gvuhbwze?inviter=324677&bid=153&lang=

Praise God. God is good all the Time.. cute baby Godbless you..

TapFluencer

Npaka cute ni Baby.. ThankYou Lord at naging ok kayo sis...

Salamat s Dios at wlang ngyareng masama s inyong mag ina..

VIP Member

Congrats po mommy, salamat sa Dios at okay kayong dalawa.

Congrats mamsh .. By the way, Saang hospital ka n admit?

congrats and GOD blessed you and your baby.... 😘😊

VIP Member

Gago tlga yang mga hospital na yn e. Dpt jn nirereport.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles