Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

Finally!
177 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats po momsh ๐Ÿ‘ buti at safe kayo ni baby ๐Ÿ˜Š

Congrats po ๐Ÿ˜Š๐Ÿค— Saang hospital po kayo nanganak?

VIP Member

Congratulation po...god is good tlga all the time๐Ÿ˜Š

Congrats po, take care sainyong dalawa ni baby ๐Ÿ˜˜

Thank God. Nakaraos na din. Pagaling ka momsh! ๐Ÿ˜˜

VIP Member

thank God at okay kayo ng baby mo.. congrats po..

Congrats sayo mommy ๐Ÿ˜Š Ang cute ni baby. โค๏ธ

VIP Member

Blessing..thank God safe kau pareho..congrats po

Congrats! Welcome Baby... Godbless...

VIP Member

Grabe ang pinagdadaanan niyo. ๐Ÿ˜ฎ Congrats sis