Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

177 Replies

Congrata mommy buti na lang naagapan kayong mag-ina. Walanghiya talaga yang mga hospital na yan ee emergency na nga ayaw pang respondehan.

ang sama nman gnun ba tlga pg walang record ang pasyente hndi aackasuhin.anyway congrats po at nkaraos kau mamsh at ligtas kau pareho ni baby mo.

oo nga eh, yung mga kwento lang sakin nung mga nanay na kakialla ko pinapagalitan lang sila nung dinala sa ospital na walang record pero yung sa case ni ate malala tinanggihan sya, buti di napaano baby nya. congrats po 🥰

Congrats po..Alam ni God na nahirapan kayo ni baby kaya gumawa siya ng way para makraos kayo..dapat sa mga hospital ma yan nirereklamo..

Buti naman safe kayo ng baby mo, sis. Walang awa ‘tong taga hospital. Emergency na nga pinaalis pa kayo. 🤦🏻‍♀️

Almost cry sa kwento mo momsh 😣 Delikado ung nangyari sa inyo pero God was with both of you ni baby. Salute to you mom.

Grabe mga ospital na pinuntahan nio, dapat bawal yon e pero buti okay na kayo parehas ni baby. Sarap ng tulog ni baby 😍

TapFluencer

God is good tlga di nia kau pinabayaan,dapat ireklamo nia mga ospital na yan,grabe hirap mo.Anyway congrats Sis!😊

Hala dito din ako sa cavite. San ka nanganak sis? Sa lying in lang dn ako nagpapa check up e 8months na ako

ahh kung commute ka sakay ka lang zapote kabila then sakay ka ulit papunta kabihasnan, malapit lang un sa zapote. ako nga silang pa ako.

Nakainis nman mga gnyan hospital,sa lahat ng pngdaanan nyo ni baby ang importante is preho na kaung safe...gbu

Kaya ako kahit gusto ko mag lying in ayaw ng byenan ko mas maganda daw maaga plng may record na sa hospital.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles