Hilot sa baby

Share ko lang naiinis na kasi ako sa MIL ko. May ubo ang baby ko may kasamang halak pinacheck up ko na sa pedia nya. As of now, nagnenebulizer kami reseta ng pedia nya para mawala yung halak nya at minomonitor ko naman sya. Etong MIL ko pinagpipilitan iuwi ko daw sa probinsya si baby para ipahilot daw kasi pilay lang daw yan na tumagal na. Sabi ko naman di sya pwede ibyahe ngayon kasi nga inuubo sya mahina pa ang resistensya nya at ang sabi din ng pedia nya bawal muna sya ilabas labas. 5 hrs ang byahe papunta sa probinsya nila at maeexpose pa ang baby sa mga madaming tao lalo na sa terminal at sa loob ng bus. Tapos ako pa yung naging masamang ina ngayon na pag may nangyare daw sa anak ko kasalanan ko daw ako daw sisisihin huhuhu.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

isipin mo lang what is best for your baby, especially may medical advise ka from a doctor. pwede naman sila magbigay ng advise pero not up to the point na maninisi kung hindi masusunod ang gusto nila. always pray.

Magbasa pa