Mommies ano bang dapat kong sabihin kay MIL para hindi na nya pakainin ang anak ko

Nagstart na pong kumain baby ko nung September 23 kasi sabi ng pedia nya pwede na daw. Ang advice sakin isang prutas or gulay lang every 3 days kaya yun ang sinusunod ko. Nasa picture po yung list ng first food nya. Kaso yung mother in law ko pinakain nya si baby ng orange nung Sept 24. Sinabihan ko sya bawal pa as per pedia pero sabi nya pwede naman daw 🤦 Then kinabukasan pinakain nya naman ng saging. Sabi ko hindi pa pwede pero pinagpipilitan nya pwede na daw kaya hindi ko na muna pinapahawak sa kanya baka kung ano na naman ipakain nya. Nagalit sya sakin pinagdadamot ko daw baby ko. Kahit anong paliwanag ko na pedia ang nag advice, sya pa yung nagagalit mas marunong pa daw ako eh lima na daw anak nya hindi naman daw marunong yung pedia. Gusto nya pa bilhan ko daw ng yogurt jusko 5 months old palang baby ko ano ba dapat kong sabihin sa kanya na pakikinggan nya. Hindi pa po kami nakakabukod sa January pa kami bubukod kaya kailangan ko pang makisama at iwasan na makaaway sya.

Mommies ano bang dapat kong sabihin kay MIL para hindi na nya pakainin ang anak ko
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kausapin mo po si hubby mo po about dyan para sya po kumausap sa mama nya po.. skl, yung MIL ganyan dn may gnagawa sya sa baby ko na ayaw ko kahit anong paliwang, hndi nya sinusunod. sinasabe ko kay mister, sasabihan naman sya ni mister pero ginagawa pa dn 🤦🏻‍♀️ ang ending di ako nagsasalita, kumokontra lage sya daming sinasabe. kung ano gusto gawin ginagawa. wala peace of mind pero buti nakabukod kami, pero kung saan nakatira si MIL doon kami magsettle, bahay ni mister yung tinutuluyan niya mag isa nalang siya, kawawa naman. isa lang anak nya eh si mister. 😌

Magbasa pa

Mahirap po talaga ang ganyan. Kahit sa sarili kong nanay, iyan ang lagi naming pinag-aawayan dati dahil EBF si baby for the 1st 6 months, then nung pinakain ko na ng solids, bukod sa 3day-rule ay strictly no salt or sugar kami. Pero buti na lang kahit papaano ay nagko-comply nanay ko pero ang hirap talaga. Ang sa akin, lagi ko na lang ibinibida ang "sabi ng pedia". Pero better din if on the same page kayo ni hubby mo para sya na lang sumuway sa mother nya.

Magbasa pa

ang hirap po niyan, kasi mabilis sumama ang loob ng mga yan. Di ko alam kung matutuwa ba kong nawala MIL ko dahil nagloko na asawa ko biglang nawala pati buong angkan niya. 5months preggy palang ako.. hahaha.. pero yun nga, mahirap po talaga lalo kung kasama niyo, laging icocompare sila noon sa ngayon, siguro po tama sabi ng iba, sabihin mo sa partner niuo po at sya dapat magsabi in a nice way.

Magbasa pa

Sabihin mo sa asawa mo mi,para sya magsabi sa mother nya. Ako ganyan sa asawa ko though malayo naman samin yung MIL ko yung SIL ko ang malapit samin kapag may nakita akong ginawa nya kay baby na hindi ko gusto sinasabi ko sa asawa ko at sya ang nagsasabi sa sister nya

talk to your hubby mommy para sya po ang makipag usap sa MIL mo . mahirap talaga yung ganyan . di mo alam san ka lulugar . at the end of the day anak mo po yan ikaw ang masusunod 🥰

TapFluencer

sabihan mo yung partner mo, baka kako pwede nya sabihan ina nya. sundin mo parin yung advise ng pedia

Kausapin mo po asawa mo, kahit siya na lang magpaliwanag sa mother nya.